Julia Barretto, walang eklat

Julia-BarrettoAT LEAST direstsahan si Julia Barretto sa mga sagot niya. Walang eklat or kiyeme.

That’s what I want sa mga artista. Pa-tweetums man ang image ng dalagita (she’s only 17 years old and celebrated her birthday last Monday March 10) you get the answer straight from her na alam mong may sinseridad.

Sa post birthday celebration niya sa Playland sa Fisher Mall, when asked kung ano ang type niya kay Enrique Gil (leading man niya sa bagong teleseryeng Mira Bella) straight forward ang sagot niya: “I like his eyes. Pero lagi naman siyang naka-shades kaya hindi ko nakikita palagi,” ngumingiting kuwento ng dalaga sa amin.

Looking at Julia, pretty siya. Lalo na without make-up at kung meron man, very light lang to freshen up her look.

Julia looks better than her Tita Claudine na during her time, hindi ganu’n kagandahan ang aktres na tawag nga noon sa tiyahin ay ugling duckling.

Even her Tita Gretchen na isa sa mga may magagandang mukha sa showbiz, iba ang itsura kung ikukumpara mo kay Julia dahil untouch by technology at “salamat doc” ang peg ng mukha ng tiyahin.

Matsika si Julia. Sa katunayan, walang “wall” between her and Ken (palayaw ni Enrique) at buddy-buddy silang dalawa.

Tila makulit sila. Bulungan nang bulungan na ewan kung ano ang pinag-uusapan.

Sina Julia at Enrique, almost three months pa lang naman nagiging close since magsimula ang Mira Bella pre-production and taping, kaya nga hindi natin alam kung magkakaroon ng “something” ang dalawa pagdating ng panahon.

Bagay sila. Inglesero at Inglesera. Sosi girl and sosi boy na may chemistry sila sa isa’t isa.

Sa katunayan, hindi pa nga raw sila lumalabas or sabay na gumigimik. “Busy kasi sa taping but we’re planning a group date,” kuwento ni Ken sa amin.

Si Julia, one of the most promising newcomer sa showbiz and we hope, may focus ang dalaga sa kanyang showbiz career.

“My lovelife can wait. I’m only 17. I’m enjoying it to the fullest. Kapag may boyfriend ka kasi, ang daming don’t do that. Bawal ang ganyan. I’m still young and not in a hurry.”

By the way ang Mira Bella will be seen on TV soon na pamalit sa matatapos na Annaliza before TV Patrol.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

3 thoughts on “Julia Barretto, walang eklat

Leave a Reply

Your email address will not be published.