Julia Barretto, sobra nang nilalait

Julia-BarrettoINAMIN NI Julia Barretto nasasaktan na siya sa mga paninira sa kanya ng mga basher sa social media.

“It’s not easy. Sana they give the chance to prove myself. I’m 17 and I’m starting. I also get hurt,” say ni Julia na habang nagdadalaga ay lalong gumaganda.

Ang mga close kay Julia at maging ng press ay nagtataka kung bakit bina-bash si Julia, lalo sa social media. Wala namang ginagawang kasalanan ang teenstar sa mga ito.

Katunayan, bihirang makita sa telebisyon si Julia at magpa-interview. Hindi mo nga maririnig na sumasawsaw ito sa isyu ng mga tiyahin na sina Gretchen at Claudine Barretto.

Ang tanging naging kasalanan lang siguro ni Julia ay habang nagdadalaga ay lalong gumaganda, promising at very smart.

Samantalang, very poud naman ang ama ni Julia na si Dennis Padilla sa tinatamasang tagumpay nito sa magulong daigdig ng showbiz. At bilang ama ay hindi maiiwasan na masaktan din ito sa ginagawa sa anak na mga basher. Pero isa lang ang mapapayo ng ama sa kanyang anak, magpakatatag dahil sadyang malupit ang takbo sa showbiz.

Okey lang daw ang may pumupuna sa isang artista kaysa wala. Kapag wala na raw pumupuna at naninira ay nakakatakot na raw.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.