Julia Barretto, sinukuan ng direktor sa teleserye

Julia-BarrettoISNABERA. SUPLADITA. That’s how Julia Barretto was pictured to be. There’s a rumor going around na masyado raw isnabera itong si Julia during her taping for her new teleserye. Wala raw itong binabati sa cast, lalo na sa mga senior cast members. Kapag dumarating daw ito ay parang wala itong kilala, walang beso-beso, walang chika-chika.

Natatawa na lang daw ang mga senior cast members dahil kapag take na ay hindi naman makaarte nang tama ang dalaga. Palagi raw ito nakaka-take three or take five at the most. Hindi raw kasi nito maibigay ang tamang emosyon na hinihingi ng director.

Tama ba ang chikang palaging pinagagalitan si Julia ng kanyang director dahil hindi siya makaarte nang tama?

One time, during taping ay nagulat na lang ang lahat nang bago na ang director nila. Hindi nila alam kung bakit napalitan ang kanilang director. Naloka na lang sila nang mag-report sila sa set at malamang may bago na palang directed by ang kanilang teleserye.

May kinalaman kaya si Julia sa pagpapalit ng director? Can you answer that, Julia?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleMariel Rodriguez, ‘di pa rin mabiyayaan ng anak
Next articlePinoy Parazzi Vol 8 Issue 100 August 17 – 18, 2015

No posts to display