Julia Barretto, naturuang sumagot?

Julia-BarrettoHANGA ANG mga press people na nakadalo sa grand media launch ng bagong pantaseryeng Mirabella ni Julia Baretto na magsisimula na ngayong araw bago mag-TV Patrol.

Ang galing sumagot ni Julia Barretto. Hindi mo iisipin na baguhan lang siya. Pero during the open forum, nalusutan niya with flying colors ang tanong ng press sa kanya.

Hindi ko alam kung naturuan lang siyang sumagot at dumaan sa mahigpit na training kaya lumalabas na very confident ang dalaga kapag sumasagot sa tanong ng reporters na medyo kilala sa mga maaanghang na katanungan.

Tulad sa naisulat na natin sa column namin kung gaano namin siya kagusto because she’s straight forward and frank ay napa-believe kami ni Julia. She won’t be just a niece of Gretchen or Claudine for nothing.

We’ve learned that Julia is fond of her Tita Claudine sa kabila ng katotohanan ang ina na si Marjorie ay nasa kampo ni Gretchen na katunggali ng kanyang favorite auntie.

Pero si La Greta, siya ang type na type niya with Gretchen’s fabulous lifestyle, very little Gretchen sa kasosyalan ang dalaga.

She loves her Tita Gretchen’s high society lifestyle. The glamour, nice clothes at ang kasosyalan na nakapaloob sa buhay ng kanyang tiyahin. She wants to be like her Tita Claudine pagdating naman sa acting.

“I’m new and people will compare me with Tita Claudine and Tita Gretchen but my time will come,” sabi ng dalaga.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

2 thoughts on “Julia Barretto, naturuang sumagot?

Leave a Reply

Your email address will not be published.