Julia Barretto, mas bilib kay Gretchen Barretto kaysa kay Claudine Barretto

Julia-BarrettoSA PRESSCON ng Mirabella, inamin ni Julia Barretto na kung career path na susundan, gusto niya ang career path ng tiyahing si Claudine Barretto, kung saan pinapanood niya ang karamihan sa mga nagawang proyekto nito rati. Sa ugali naman ay bilib na bilib ito sa tiyahing si Gretchen Barretto, na ayon nga sa kanya ay napakapositibong tao, mabait, madasalin at masayahin. ‘Di raw ito makikitang nalulungkot o sobrang apektado sa kabila ng kabi-kabilang kontrobersiya na kinasasangkutan nito at ng kanilang pamilya.

Nang hingan namin ng reaksyon tungkol sa pagpipiyansa na ginawa ng kanyang Tita Gretchen sa katulong na sinampahan ng kanyang Tita Claudine, hindi makasagot si Julia dahil wala siyang alam sa nangyari at ‘pag magkakasama sila ay hindi naman nila ito napag-uusapan.

Binigyang-linaw din na hindi niya boyfriend ang anak ni Sen. Jinggoy Estrada na si Julian Estrada, madalas kasing nakikita noon ang dalawa na magkasama at ‘pag may mga Star Magic events ay nakasunod ito sa young actress. Magkaibigan lang silang dalawa at kasama pala si Julia sa samahan ng mga NBSS o No Boyfriend Since Birth sa kabila ng marami ang nagpapahayag ng paghanga kay Julia.

Ang ikinahanga namin kay Julia ay palabati ito at ‘pag nakikita kami ay laging nakangiti at siya pa ang nag-e-effort para batiin kami. Bukod dito ay lagi itong nakahandang sumagot sa anumang isyu na tinatanong sa kanya gaano man ito kasenstitbo, lalo na pagdating na sa problema ng kanilang pamilya.

Ang Mirabella ang kauna-unahang serye na pagbibidahan ni Julia na mapapanood na sa March 24, sa Primetime Bida ng ABS CBN. Kasama niya rito sina Enrique Gil, Sam Concepcion, Gloria Diaz, Mylene Dizon, Liza Diño, Mika dela Cruz, Diego Loyzaga at iba pang mga kabataang artista.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.