Julia Barretto, magbibida sa teleserye remake ng Cofradia ni Gloria Romero

NAULINIGAN NAMIN na ang unang teleser-yeng gagawin daw ni Julia Barretto ay ang Cofradia, na dating pinagbidahan sa pelikula ng isa sa movie queens nu’ng araw na si Ms. Gloria Romero.

Dalawa raw ang magiging leading man dito ni Julia. Isa raw sa mga ito ay ang bunsong anak na lalaki nina Sen. Jinggoy at Precy Ejercito Estrada na si Julian.

Ang pagkakaalam namin ay bukod daw dito ay may isa pa raw na TV project ang nakalaan para kay Julian na uumpisahan ang taping ngayong summer vacation o bago pa magsimula muli ang another school year dahil priority pa rin ng bagets ang pag-aaral.

Napapangiti lang si Sen. Jinggoy kapag binibiro namin ito na may hawig si Julian sa kanyang amang si former President Joseph Ejercito Estrada nu’ng kabataan nito.

 

BAGO GANAPIN ang first major at birthday concert ni Daniel Padilla sa Big Dome sa darating na April 30, magiging abala muna ito sa kanyang birthday celebration sa araw mismo ng kanyang kaarawan sa April 26 kasama ang mga batang may sakit mula sa Child House Foundation na matagal nang tinutulungan nila ng kanyang ina na si Karla Estrada at kanilang matagal nang kaibigan na si Tates Gana na beloved parter ni Quezon City Mayoy Herbert Bautista.

Sa clubhouse daw ng Tierra Pura Subdivision sa Commonwealth, QC magaganap ang selebrasyon na ito ni DJ (palayaw ni Daniel) bandang alas-kuwatro ng hapon para raw hindi naman mainitan ang mga batang may sakit, ayon sa aktres at ina nito na si Karla.

Sa Tierra Pura Subdivison kasalukuyang nangungupahan ng bahay ang mag-iina habang ipinapagawa nila ang kanilang magiging sariling bahay at lupa sa isang payak ng subdivision din sa QC pa rin na, ayon kay DJ, ay alay n’ya para sa kanyang pinakamamahal na ina.

Seventeen years daw pala silang nangupahan sa isang maliit na condominium noon.

Matapos makuha ni Daniel ang kanyang advanced birthday present na Dodge Challenger sports car, tila nagpapahiwatig daw ito kay Karla na bet n’yang magkaroon ng isang motorbike, gaya ng mamahaling Ducati (na birthday gift ni Marian Rivera sa boyfriend nitong si Dingdong Dantes noon na na-feature sa StarStudio magazine recently), na agad daw hinindian ng ina. “Ayoko pa s’yang matuto at magpaandar ng motor. Nakakatakot! Delikado! Kaya hindi ‘ko sinang-ayunan. Dapat ipaalam ko sa kanya na hindi lahat ng gusto n’ya ay makukuha n’ya agad-agad, kahit may pera s’ya,” sey nito.

Sa buong Pilipinas, bukod kay Daniel, ang dalawa pang nagmamay-ari ng Dodge Challenger ay sina James Yap at Vhong Navarro lang na matagal n’yang pinag-ipunan hindi gaya ng young actor.

 Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

3 thoughts on “Julia Barretto, magbibida sa teleserye remake ng Cofradia ni Gloria Romero

  1. Galing talaga ng abs para umingay ang career ng isang baguhang artista..
    Ginamit pa si claudine para umingay career ni julia baretto
    Ahaha
    I wonder bat di nya ginamit surname ng tatay nya.?
    Hmmmm?????
    Copycat ni Greta :)

  2. kung anong ganda nito ganun din daw kapangit ang ugali ng babaeng ito… totoo kaya na boba rin ito at panay bagsak sa mga subjecy sa school? haha

Leave a Reply

Your email address will not be published.