Julia Barretto, kuya lang ang tingin kay Sam Concepcion

Julia-BarrettoIKINAGULAT NI Julia Barretto ang isyu na siya ang dahilan ng pagtataray raw diumano ni Anne Curtis kay Sam Concepcion. Lumalabas kasi na si Julia raw ang bagong pinopormahan ngayon ni Sam na alam ng lahat ay boyfriend ng sister ni Anne na si Jasmine Curtis-Smith.

Pinagdiinan ni Julia na walang katotohanan ito dahil parang kuya raw ang tingin niya kay Sam at malabong mahulog ang loob niya sa BF ni Jasmine. Priority raw ngayon ng anak ni Marjorie Barretto kay Dennis Padilla ay ang papagandang showbiz career.

Samantalang kay Julia rin nalaman na tila gusto na ring pasukin ng anak ni Gretchen Barretto na si Dominique Cojuangco ang showbiz. Payo lang ni Julia kay Dominique na maging matibay ang loob at magsanay magsalita ng Tagalog.

Sa ngayon ay nasa London ang dalaga ni Gretta para tapusin ang pag-aaral.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.