Julia Barretto, ikinahihiya ang amang si Dennis Padilla?!

“AH, TALAGA? Anak pala ni Dennis Padilla si Julia Barretto?”

Dalawang beses na naming nae-encounter ang ganitong dayalog sa kaibigan. Na susundan pa ng, “Ba’t hindi binabanggit ni Julia sa mga interview niya at palaging si Marjorie Barretto ang nasa eksena?”

Ewan kung totoong hindi nababanggit ni Julia, baka rin kasi nabanggit talaga, pero hindi lang namin naabutan or napanood.

Pero so far, ininterbyu sa Showbiz Inside Report at sa The Buzz si Julia, parang oo nga, ‘no? Ba’t nga pala parang hindi nababanggit ang name ni Dennis?

Baka naman hindi lang naitatanong, kaya hindi rin para banggitin din ni Julia?

O, baka naman ‘yun na ang unang pakiusap bago umupo for interview na walang banggitan ng name ni Dennis?

Pero tatay rin kasi kami, eh. Kahit kami ang nasa lugar ni Dennis (ewan ko kung okay lang sa kanya), medyo “pitik” sa damdamin namin ‘yon bilang ama, eh. Saka wala naman kaming nabalitaang naging masamang ama si Dennis sa kanyang tatlong anak kay Marjorie.

Hindi naman siguro magiging ganyan kaganda si Julia kung hindi rin nahaluan ng dugo at laman ni Dennis, ‘di ba? Sana, sa mga susunod na interviews ay mabigyan ng sapat na kredito bilang ama si Dennis.

Teka muna, natapos ba ang relasyon nina Marjorie at Dennis na magkaibigan sila? Sana nga. Alang-alang sa mga bata.

“PAHINGA MUNA ako ng mga one week, puwede na uli akong magteleserye,” sey ni Janice de Belen nu’ng tanungin namin kung after “Ina, Kapatid, Anak” ay ano na ang next teleserye niya.

“Gusto ko nga, sa next teleserye ko, isang mahirap na ang role ko. Pass na muna ako sa mayaman, hahaha!”

Kunsabagay, nu’n kasi sa Budoy, mahirap ang role niya. Sa IKA, mayaman ang role niya. Salit-salit lang.

Kahit sa ibang artista, mas gusto nilang mahirap lang ang role, dahil una, hindi mahirap sa damit. Pangalawa, nandu’n ang simpatya ng publiko, lalo na kung inaapi.

But at the end of the day,  it’s always how you portray your character well.

 

NAPA-THANK YOU, Lord naman kami, dahil nu’ng una’y pangarap lang namin na mapasama, pero ngayon, nagkatotoo nang kasama na kami sa Huwag Ka Lang Mawawala bilang teka, ano nga ba ang character namin?

Nako, kahit ano’ng karakter ‘yan, ang importante, may trabaho at nabibigyan namin ng justice ang character namin, okay na sa amin. Hindi na para maungusan pa namin ang mga bida, dahil mas masarap ang feeling na sumusuporta lang kami sa kanila.

Ilang teleserye na rin ang ginawa namin at siyempre, lahat ay sa ABS-CBN kung saan 21 years na kami sa istasyong nagtiwala sa amin. At ‘eto nga, hihinintay na lang namin ang tawag ng management, dahil kasama na kami sa bibigyan ng loyalty award for 20 years.

Juice ko, meron na naman kami uling matatanggap na incentive. Hahahaha!

Alam na.

 Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

25 thoughts on “Julia Barretto, ikinahihiya ang amang si Dennis Padilla?!

  1. this is for everyone to know that Julia Barretto’s real father is Kier Legaspi. She was a lovechild of Marjorie Barretto and Kier Legaspi before she married Dennis, 2 years after she gave birth on her.

  2. Huwag maging ipokrita Julia. Saka, nanay mo ang mas masama. Come to think of it, kumaliwa siya kaya sila naghiwalay ng tatay mo.

  3. SUS, DUMALE NA NAMAN ANG IBA DITO, ANO NAMAN ANG ALAM NIYO SA RELASYON NG MAG-AMA? AT ANONG PADILLA ANG PINAGSASASABI NIYO?  EH HINDI RIN NAMAN YUNG ANG TUNAY NA APELYIDO NI DENNIS NOH? FYI!  BALDIVIA  ANG LAST NAME NILA! MGA ENGOT!!

  4. Juskoo julia B kaka’umpisa m plng ganyn n agad pinapakita m s publiko kitang kta m nmn n kinahiya  nya c denis s mga interview nya plng alm muna ugali nya …tpz my nabasa p aku kinakompara p sya ky julia M at ky katryn malayo n naabot nla my napatonayan n cla e kaw wla p nga ganyan n agad my attitude n magets mna s ugali nya. iba nga jan naiinggit n my tatay at naiingit n my ngmmhal ng isang ama tpz ikaw hay nku !!

  5. Pasikat na talaga si Julia Barretto at ang dami ng nang-intirga sa kanya. Kawawa naman sina Barbie Forteza at Bea Binene. Di pa nga nakakahabol kina Kathryn Bernardo at Julia Montes popularity-wise, heto at may bagong teen star sa Dos na bumobongga agad ang career. Iba talaga maging Kapamilya.

  6. naku julia ha…masama yang pag uugali na ganyan..dapat be thankful ka sa father moo..kahit pa anong mangyari at kahit pa kung anong itsura nya…TATAY mo pa rin xa!tandaan mo yan hija!

    • Kanino pa b nagmana ng ugali di sa Ina at mga tiyahing suwail at papaaaaaaaaaansin.

  7. ogire so natupad pla pangarap mona makasama sa HKLM.., nabasa ba nila colum mo o my ngparating sa mgmnt.. na gusto mo mkasali sa soap ni juday…ako isa ako samga sumusubaybay ngaun ng soap/tlerserye nyan kc idol kosi juday at in fairness my chemistry din pla cla ni sam kc nakakakilig cla inda 1st  2 episodes…pero diba akala ko tapos na taping nyan bago ipalabas dhil ayaw nani juday ung nangangarag ng taping at nghahabol ng maipapalabas kpg ubos naung naitape na nila…..kya nga antagal pinalabas diba?  so dipa pla tpos ang tping kung gnun….

  8. mukha naman talagang antipatika itong julia na ito eh…bait baitan lang ang epek pero parang nasa ilalim ang kulo

    • Nadinig ko na rin yan….Nagshooting daw yan sa bayan namin sa Batangas, ni hindi lumabas ng van para pumirma ng autograph ng mga fans….In short, pakitang tao at plastic….Tawag ko nga eh, Mrs. Tupperware….

    • Nag aaalangan sya sa apelyidong padilla,, mukha kasing na salisihan ni Mayor si Mama Marjorie .

  9. SANA PAG SA BIHAN NI MARJORIE ANG MGA ANAK NYA NA GUMALANG SA TATAY  NILA, LALO NA SI JULIA,BAKA MA KARMA SILA,IMBES NA SUMIKAT EH BAKA ALAM NYO NA. :(

  10. Father’s Day ni hindi niya binate yung ama niya. Ano siya singaw lang. Masama yan, me balik yan Julia.

  11. Sino ba talaga ang Ama ng Julia Barreto na yan si Dennis Padilla o Recom Echeverri……Sa aking palagay si Recom kasi ikinakahiya nya si Dencio Jr.

  12. marami na ako nakitang interview ni julia hindi talaga binabanggit ang tungkol sa tatay niya puro baretto ang bukam bibig, sabi ko sa sarili ko siguro mas sisikat pa siya kung ginamit niya ang apelyido ng tatay niya no bad record at mukhang down to earth at mabait kaysa puro lang siya baretto ang binabanggit at isa pa mas naging sikat naman si Dennis kaysa kay Marjorie, no matter what anong itsura ng tatay mo you should be proud of him pogi naman si Dennis ah.

    • kitang kta nmn s hitsura at  ugali ni julia B n kinahiya nya c dennis hay nku iha ka’umpisa m pang s SHOWBIZ ganyan kana agad wla kpa ngang pinatonayan ganyan na agad ugali mo kitang kta nn s ugali mo at hitsura dyosko iha wg k ganyan tatay mo yan kht anu p yang hitsura ni dennis tatay mo wag gaya2 s mga nasa tabi mo…ANG KARMA IHA  tatandaan mo wla kapang napatonayan lumaki n agad ulo …cguro feel m my itsura ka hmmppp ??

      • hmmppp gets  muna agad itong c julia B. maarti s tengin kuha ..at hnd lng maarti at ung ugali nya manang mana hhhmmpp?? ka’umpisa plng s SHOWBIZ ganun n agad wla p ngang napatonayan my  attitude n…super hittttttt k tlga ung usapan 2ngkol s relasyon ng ama o nanay n kagaya nito  hnd aku takot mg comment e ung iba nga ngmmalimos n mgkaroon ng ama o makakaranas na my ama tpz ikaw kinahhiya mo hiya hnd kb takot s KARMA? s bagay gnyan nmn tlga mga ugali ung nasa tabi mo……iwan k su hija..

Leave a Reply

Your email address will not be published.