Jueteng Whistleblowers, iisnabin ng Senado

HINDI MAKIKIPAGTULUNGAN ANG mga miyembro ng Whistleblowers’ Associations of the Philippines sa ginagawang imbestigasyon ng Truth Commission laban sa kasalukuyang administrasyon maliban na lang kung maipasa sa batas ang kanilang proposal.

Pinangungunahan ni Sandra Cam ang grupo, kasama ang tatlo pang miyembro, patungong Senado upang ipahatid ang kanilang sama ng loob at pagkadismaya sa mabagal na usad ng imbestigasyon kontra sa iligal na Jueteng sa bansa.

“Mag-ga-grandstand na naman ang mga senador? I’m sorry, I’m so disgusted and emotional right now dahil pagod na pagod na kami sa laban na to,” paiyak na sagot ni Cam sa interview ng mga reporter.

Ayon pa rin kay Cam, hindi ito kumbinsido sa gagawing hakbang ng Senado sa susunod na linggo higgil sa naturang isyu.

“I am not convinced. I want to see first the Whistleblowers’ Act that is being executed. Then that’s the time that we’ll ask the would-be witnesses to come out,” ani pa ni Cam.

Handa namang lumantad at tumestigo ang ilang junior police officers upang ibulgar ang ilan sa matataas na opisyal ng  Philippine National Police na tumatanggap ng suhol sa mga Jueteng operators subalit inamin ni Cam na pinipigilan niya ito.

“I told them the other day… not to come out to the open unless there’s a Whistleblowers’ Act. Isa sa witness na lalabas ay isang junior officer ng PNP, malakas ito pero sinabi ko sa kanya: think a thousand times. Tingnan mo itong nangyari sa aking mga kasamahan,” saad pa ni Cam na ang tinutukoy ay sina Vidal Doble, Jose Barredo Jr, at Dante Madriaga, na kasama nitong dumalo sa Senado.

Buo pa rin ang kanilang desiyon na hindi makikipagtulungan sa imbestigasyon na ginagawa ng Truth Commission laban sa mga anomaly at iregularidad nang nagdaang administrasyon.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.