Jueteng, talamak pa rin sa Cordillera

TALAMAK PA RIN ang operasyon ng iligal na Jueteng sa Cordillera region, lalo na sa mga lalawigan ng Aba, Mountain Province at Benguet. Ito ang napag-alaman ng Pinoy Parazzi mula sa isang mapagkakatiwalaang impormante.

Patuloy umanong tumatabo mula sa operasyon ng nasabing iligal na sugal ang mga nagpapatakbo nito, bagama’t sinasabing ang Baguio City pa rin ang may pinakamalaking kita, kung saan kumakamal umano ng mahigit sa isang milyong piso sa taya araw-araw.

Ayon pa sa impormante, isang nagngangalang Dante Alvarez ang operator ng Jueteng sa nasabing lugar, na ginagamit ang pangalan umano ng mga maimpluwensiyang political leaders sa Tarlac kabilang ang malalapit na kaalyado ni Pa-ngulong Benigno Aquino III.

Gumagamit na umano ng tinatawag nilang “guerilla operations” ang mga nagpapa-Jueteng, kung saan karaniwang ginagawa ang bolahan sa mga umaandar na sasakyan. “Open secret” na umano ang nasabing paraan ng pagbola sa Jueteng sa buong kalunsuran, na karaniwang itinatanggi ng mga awtoridad na mayroon ngang nagaganap na anumang operasyon ng nasabing iligal na sugal.

Gayunman, karaniwan nang kinakain ng mga opisyal sa lugar ang kanilang mga sinasabi kapag bumibisita ang mga matataas na opisyal ng pulis o militar sa Baguio. Kasabay kasi ng pagbisita ng mga opisyal sa pag-aresto sa mga kubrador ng Jueteng.

Nagsilbi ring pananggalang umano sa Jueteng operation ni Alvarez ang isang buwang pagdiriwang ng Baguio Flower Festival, kung kaya’t tila ‘na-deodorized’ umano ito, ayon pa sa impormante.

Samantala, sa kalapit na Benguet, hindi umano ginagalaw ang operasyon ng Jueteng sa mga bayang nasa hilagang bahagi ng probinsiya na sinasabing pinatatakbo rin ng nasabing operators. Bagama’t itinatanggi ng mga awtoridad, pinatutunayan naman ito ng mga residente sa nasabing mga lugar, lalo’t alam nila kung ano ang totoo at kung ano ang hindi.

Hindi rin umano natitinag ang operasyon ng Jueteng sa Abra, na pinatatakbo rin ng nasabing operators mula sa kapatagan na malapit na malapit sa political kingpin, na kung ilang taon na ring nagaganap.

Bago naman sa Bontoc, Mountain Province ang Jueteng at iba pang iligal na sugal, kung saan ayon pa sa nakalap na impormasyon, dalawang gusali sa sentro ng kapitolyo ang ginagamit para pagdausan ng Monte (Spanish card game), Jueteng at iba pang iligal na sugal, maghapon at magdamag.  (Parazzi Investigative Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.