Jueteng sa QC, laganap pa rin

 

SA KABILA ng ‘One-Strike’ policy na ipinatutupad ng Philippine National Police para sugpuin ang ipinagbabawal na sugal na Jueteng, nagtataka ang mga mamamayan ng Quezon City kung bakit patuloy pa ring lumalaganap ang nasabing illegal number game sa lungsod, sa ilalim ng pamumuno ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Chief Supt. Mario Dela Vega.

Ayon sa mga concerned citizen, civic groups at religious sector na mahigpit na nagbabantay laban sa Jueteng, nagtataka sila kung bakit ang isang alyas ‘Don Pepe’ ay nagagawang maghahari-harian sa Jueteng sa QC.

Nagtataka rin ang ilang pinuno ng civil society kung bakit nagawang makapasok ng isang Don Pepe – na taga-Nueva Ecija – sa Quezon City at pagharian ang Jueteng sa lungsod.

Kaya naman, nababahala na ang mga mamamayan ng nasabing lungsod, dahil sa halip na masugpo ay lalo pang lumaganap ang Jueteng sa kanilang lugar.

Diumano, si Don Pepe, na parang mahadera kung magsalita, ay ipinagyayabang pa na pinoprotektahan siya ni General Dela Vega na tila hindi iniinda ang ‘one-strike’ policy ng PNP kaugnay sa pagsugpo ng iligal na Jueteng.

Ayon pa sa mga barangay chairman sa lungsod, na mahigpit na tumutuligsa sa iligal na Jueteng, nais nilang ipaabot kay Gen. Dela Vega, na kung talagang wala itong kinalaman sa paglaganap ng Jueteng sa Quezon City, marapat lang na patunayan niya ito sa pamamagitan ng pagpapatigil sa operasyon ng iligal na Jueteng ni Don Pepe.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.