JUETENG SA PARAÑAQUE NILARGAHAN NI BERNABE

KASALUKUYANG inihahanda ng ilang concerned citizen sa Lungsod ng Parañaque ang sulat na umano ay kanilang ipararating sa mismong tanggapan ni DILG Secretary Jesse Robredo kaugnay sa umano ay laganap na operasyon ng iligal na sugal o jueteng sa kanilang Lungsod.

Ayon sa source na siya ring nagpaabot sa pahayagang ito kaugnay sa nasabing hakbang, napag-alaman umano nila na tuluyan ng sinang-ayunan o nilargahan ni Mayor Florencio “Jun” Bernabe ang nasabing iligal na sugal upang ito ay lantaran ng makakapag-operate sa Parañaque City.

Idinagdag pa ng source na ang “financer” umano sa nabanggit na iligal na sugal ay isang “onorabol” mula sa Marikina na ang pangalan umano ay Elmer Nepumuceno.

Sa kanilang pananaliksik bilang suporta na rin sa adhikain ni dating Dagupan Bishop Cruz laban sa iligal na sugal, napag-alaman umano nila na ang nasabing iligal na sugal ni Hon. Elmer Nepumuceno ay hindi lamang sa Parañaque namumukadkad ngayon kundi maging sa iba’t ibang panig ng Southern part ng Metro Manila.

Idinagdag pa ng source na kung talagang gugustuhin ng pamunuan ni PNP Chief Raul Bacalzo na hulihin ang nasabing operasyon ng jueteng sa Parañaque ay dapat suriing mabuti at huwag basta padadala sa katwiran ng mga namamahala nito dahil “front” lamang umano ang istayl ng mga ito na kunwari ay may “lehitimong” operasyon ngunit kung aarukin ay “jueteng” din ang mga ito. (Parazzi Investigative Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.