JUETENG SA LAGUNA, PINIPIKITAN NI PD CRUZ

MULING UMARANGKADA ANG jueteng operation sa lalawigan ng Laguna makaraang magkubli ang mga iligalista sa front na umano’y legal na sugal na Jai-alai at STL.

Isang mayor ang nagsumbong sa Pinoy Parazzi na apat na tao ang kumokontrol sa iligal na sugal sa nasabing lalawigan dahil umano sa kanilang koneksiyon sa kapulisan at sa matataas na opisyales ng lalawigan.

Kinilala ng nasabing alkalde ang mga operator na sina Dante Alvarez, Vic Siman, Edu Reyes at alyas J.O. na siyang namamayagpag sa mahigit 20 bayan at lungsod ng Laguna na kinabibilangan ng Calamba, Mayapa, Calauan, San Pedro at Cabuyao.

Obyus umanong protektado ng ilang mga tiwaling alkalde at maging ng opisina ng gobernador ang sinasabing iligal na operasyon ng jueteng dahil pare-parehong hindi nagsisikibo ang mga ito kahit sa mismong munisipyo pa nila nagpapataya ang mga kubrador ng iligal na sugal.

“Ang isang malinaw na kakutsaba ng mga operator ay ang opisina ng provincial director na si PD Gilbert Cruz dahil sa wala itong ginagawang totohanang aksyon para masugpo ang muling pagsulpot ng Jueteng sa aming probinsiya,” pahayag ng nasabing alkalde sa Remate.

Dagdag pa nito, dapat umanong sibakin na ni PNP Regional Director Samuel Pagdilao ang naturang provincial director base sa one-strike policy ng kapulisan. (Parazzi Investigative Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.