Jueteng sa Caloocan, buhay na naman

NAGING AKTIBONG MULI ang operasyon ng Jueteng at iba pang uri ng sugal sa Lungsod ng Caloocan na umano’y may bendisyon ng Northern Police District (NPD) at Caloocan City Police.

Ayon sa Caloocan City police insider, hayagan na naman ang operasyon ng jueteng ni Tony “Bolok” Santos sa buong district 1 na nasasakupan ng Camarin, Bagong Silang at 2pa  na sakop naman ng Caloocan proper kung saan kakumpitensiya nito sina RR at ME na sinasabing nakatalaga sa Caloocan City hall.

Isang Sherwin Andrade na inaanak ni Santos ang tagabigay umano ng payola sa Caloocan City police, NPD at maging sa National Capital Region Office (NCRPO).

Sinabi pa ng impormante, noon pa man ay balak na ng NCRPO na gawing centralize ang jueteng sa buong Pilipinas para makopo ang intelihensiya mula sa Jueteng ngunit hindi natuloy.

Isang Aling Santos naman na taga-Barangay 22 ang tumatayong pangkalahatang “kabo” ng operasyon ng Jueteng ni Tony Bulok Santos.

Kabilang sa nagpapa-takbo ng Jueteng sa Caloocan City ang isang Nida na taga-Barangay 5 at isang Danny Bungal ng Barangay 2, habang isang Sonny Santiago alyas “Don Ramon”, Danny Estacio, Boy Edmond, Delfin, ng 4th. Ave ay pawang mga operator ng illegal bookies, Ending, EZ-2, Jai-Alai at lotteng sa buong Caloocan.

Ang mga kabo umano ng mga nasabing sugal ay puro mga kagawad na sina Kagawad Larry Camacho ng Brgy. 14, Kagawad Michael Pangilinan ng Brgy. 18, Aling Santos ng Brgy. 22, at isang Hadji ng 2nd Ave., Brgy. 120 ,na pawang matatagpuan sa Lungod ng Caloocan.

Idinagdag pa umano ng impormante na malaking halaga ng salapi ang inihatag nina Bolok Santos, RR at ME sa NCRPO at Caloocan police upang makapag-operate ang mga ito ng jueteng.

Ayon sa mga residente, “inutil” at walang “silbi” umano ang kautusan ni PNP Director General Raul Bacalzo na one-strike policy, dahil sa pagbubukas na muli ng operasyon ng jueteng sa lungsod ng Caloocan. (Parazzi Investigative Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.