Jueteng sa Antipolo at kawawang Cuaton

NAGANAP NA!

Nangyari na kahapon ang pinangangambahan simula pa noong isang linggo na sisibakin sa pagiging hepe ng Pasay City si Col. Napoleon Cuaton.

Ngayon ay pormal na siyang pinalitan ni S/Supt. Melchor Reyes sa pagiging Chief of Police ng Pasay City.

Ayon sa ating tawiwit, matapos gumawa noon si Mayor Antonio Calixto ng memorandum na inaatasan ang tanggapan ni Col. Cuaton na hulihin ang mga iligal na sugal sa nasabing lungsod, verbal niyang kinausap si Cuaton na huwag galawin ang mga ito!

Naku, ha?! Kung totoo ang isiniwalat na ito, Mayor Calixto… aba eh, ibang klase ka!

Pagdating sa papel ay malinis ka!

Pero sa lihim pala ay… P’we!!!

Itong ibinulgar, parekoy, ng ating tawiwit ang siya umanong dahilan kaya nasibak si Col. Cuaton. Dahil mas pinili umano nitong tuparin ang “written memo” kesa verbal instruction!

Ibig sabihin, parekoy, niratsada ni Col. Cuaton ang mga iligalista sa Pasay City. Kung saan nasagasaan umano ang mga kaibigan ni Mayor!

Ang tanong natin sa bagong upong hepe ng Pasay City, kung malagay ka kaya, Col. Reyes, sa sitwasyon noon ni Col. Cuaton, alin ang susundin mo? Ang memo na nagsasaad na hulihin ang mga iligalista? O ang bulong na huwag silang pakialaman?

Hak, hak, hak! ‘Wag mong gagayahin si Col. Cuaton na nilinis ang Pasay… tiyak masisibak ka rin agad!!!

 

DITO SA PAMUNUAN ng bagong PNP Director General masusubukan kung talagang astig nga itong Jueteng nina Ben Polo at Mike Rosales sa Antipolo City.

Ang istayl kasi ng dalawang Jueteng lord na ito, ayon sa ating “tawiwit” ay nakikipag-kape tuwing umaga kay Antipolo City Mayor Danilo Leyble.

Kaya naman, may patong si Mayor o wala, nakasaksak na sa utak ng mga pulis na mga kaibigan ng alkalde ang dalawang Jueteng lord na ito!

Hayun parekoy, leybleng-leyble ang kanilang pa-Jueteng!

‘Yan ang sinasabi natin, parekoy, na kung ikaw ay isang alkalde, mag-iingat ka dapat kung kanino ka nakikipagkaibigan.

Dahil may magagaling na iligalista na akala mo eh, makikipag-kape lang sa iyo. ‘Yun pala ay ipoporma ka lang para magdalawang-isip ang mga pulis na hulihin ang kanilang iligal.

Dahil nakasaksak sa isipan nila na kasabwat ang meyor sa kanilang raket!

 

MAKINIG SA AKING programang “ALARMA Kinse Trenta”, Lunes-Biyernes, 6-7 am, sa DZME 1530 kHz, at may “live stream” sa www.dzme1530.com. E-mail: junbriones69@yahoo.com; call or text 09321688734.

 

 

 

 

 

 

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.