Jueteng sa Abra, Benguet At Mt. Province, Tuloy pa rin Tayaan Sa Kalinga, Ipinatigil Na

DAHIL UMANO SA init ng araw-araw na kritisismo sa media, napaulat na tumigil na umano ang pagtaya sa Jueteng sa lalawigan ng Kalinga.

Ang operasyon na may arawang kubransang P400,000 ay pinatatakbo umano ng isang ‘kunektadong’ opisyal ng barangay sa Tabuk City, kapitolyo ng Kalinga.

Napilitan umanong ipatigil ang twin-draw operations (tuwing tanghali at alas-5 ng hapon) simula noong Biyernes nang nakaraang linggo, bunsod ng walang tigil na pagtuligsa ng publiko. May basbas umano ang nasabing iligal na operasyon mula sa mga matataas na opisyal na pulis, lokal na pamahalaan, kabilang din ang ilang mediamen.

Ito rin umano ang unang pagkakataon na natigil ang operasyon ng Jueteng sa nasabing lugar mula ng magsimula ito noong Nobyembre nang nakaraang taon.

Samantala, patuloy na hindi ginagalaw ang operasyon ng Jueteng sa kalapit na mga lalawigan ng Abra at Benguet, partikular sa hilagang bahagi nito na umano’y pinatatakbo rin ng parehas na operator, na malapit umano sa isang political kingpin.

Bago naman ang Jueteng at iba pang iligal na operasyon ng sugal sa Bontoc sa Mountain Province. Dalawang gusali umano sa kabayanan ang nagkakanlong ng Monte (Spanish card game), Jueteng at ibang sugal, maghapon at magdamag.

(Parazzi investigative Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.