JUETENG NI “TS” MULING LUMARGA

TALIWAS SA INAASAHAN ng marami na tuluyan nang matitigil ang iligal na sugal o Jueteng partikular sa Kamaynilaan dahil na rin sa “one-strike policy” na pinaiiral umano ni PNP Director General Raul Bacalzo, nagngingitngit naman ang mga residente sa Quezon City, Pasig at Marikina dahil mas lalo umanong lumubo ang bilang ng mga kubrador ng nasabing iligal na sugal.

Ayon sa impormasyong natanggap ng Pinoy Para-zzi, ang nagsulputang mga kubrador ng Jueteng sa nabanggit na mga lugar ay mga tauhan umano ni Tony S. na dahil na rin umano sa “payolang” nauukol para sa local government officials ng nasabing mga lugar ay mistulang untouchable na ito.

Idinagdag pa ng source na sa panibagong ratsada umano ng iligal na sugal ni Tony S., hindi makaporma ang mga chief of police sa mga siyudad ng Quezon, Pasig at Marikina.

Kinilala rin ng source na ang taong umiikot at umaareglo umano sa kapulisan at maging sa local government officials upang “hindi matinag” ang illegal gambling operation na ito ni Tony S. ay isang nagnga-ngalang Dindo.

Ang namamahala naman umano sa buong operasyon ng Jueteng ni Tony S. ay ang anak nitong tomboy na siya rin umanong nakikipag-ugnayan sa ilang kamag-anak ng mga alkalde sa Quezon, Pasig at Marikina upang ang mga ito ang magsilbing tulay sa Jueteng.

Dahil sa panibagong kaganapang ito hinggil sa pagsulpot ng iligal na sugal o Jueteng ni Tony S., kasabay namang nag-iingay ang nabanggit na mga residente upang tawagin ang pansin ni PNP-NCRPO Chief Gen. Nicanor Bartolome upang maipatigil na umano hangga’t maaga ang nasabing operasyon ng gambling lord na si Tony S. (Parazzi Investigative Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.