Jueteng ng Vice-Mayor sa Isabela, untouchable

HINDI UMANO NATATAKOT ang isang bise-alkalde at isang Intsik sa kahit na sino pa mang PNP chief at mga opisyal para sa operasyon nila ng iligal na Jueteng sa lalawigan ng Isabela, dahil nagbibigay umano ang mga ito ng kinsenas-katapusang payola.

Ito umano ang ipinagmamalaki ng nasabing bise-alkalde at kanyang mga galamay, kaya nagsisilbing inutil ang direktiba ng mga opisyal ng Philippine National Police at naging sunud-sunuran na umano ang mga ito sa mga gambling lords na umano’y hindi na nila kayang patigiln ang talamak na operasyon ng Jueteng gamit ang prangkisa ng Small Town Lottery ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa naturang lalawigan.

Ito ang napag-alaman ng Pinoy Parazzi mula sa mga opisyal ng barangay at mga residente sa mga bayan-bayan sa naturang lugar.

Nabatid na nagngangalang Vice-Mayor Bentot P, Tony Ong, kapitan Rafael Martinez at Jojo Casabar ang umano’y mga namamayagpag na nagpapatupad ng mga nabanggit na iligal na sugal sa third at fourth district sa nabanggit na probinsiya.

Ipinagmamalaki umano ng grupo nina Bentot at Ong na protektado sila ni PNP Region 2 regional director Francisco Villaroman, PNP provincial director S/Supt. Jimmy Rivera at Santiago City city director S/Supt. Severino Abad, Jr. kapalit umano ang kinsenas at katapusang limpak-limpak na perang payola galing sa mga iligal na sugal.

Hamon pa umano nina Bentot at Ong na kahit sino pang pangulo ng bansa , o sino pang gobernador ay walang makapagpapahinto sa kanilang iligal na Jueteng  sa nabanggit na lugar, dahil sarado na ang kanilang transaksiyon sa tinatanggap na patong na nagmumula sa mga talamak na iligal na pasugalan. (Parazzi Investigative Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.