Jueteng ng Vice-Mayor sa Isabela, Talamak

NAGSISILBING INUTIL ANG DIREKTIBA ng mga opisyal ng Philippine National Police at naging sunud-sunuran na ang mga ito sa mga gambling lord na umano’y hindi nila kayang patigilin ang talamak na operasyon ng iligal na Jueteng ng isang bise-alkalde at ng kanyang galamay. Isinasangkalan ng mga ito ang prangkisa ng PCSO sa Small Town Lotery, pero lumalabas na Jueteng pa rin sa probinsiya ng Isabela ang umano’y ginagawa ng nasabing maimpluwensiyang bise-alkalde. Ito ang napag-alaman ng Pinoy Parazzi sa mga opisyal ng barangay at mga mamamayan sa mga bayan-bayan sa naturang lugar.

Nabatid na isang nag-ngangalang Vice-Mayor Bentot Panganiban at sina Tony Ong, Kapitan Rafael Martinez at Jojo Casabar ang mga diumano’y namamayagpag na nagpapatupad ng nabanggit na iligal na sugal na Jueteng sa ikatlo at ikaapat na distrito sa nabanggit na probinsiya. Napag-alaman pang binibigyan umano ng proteksiyon ang mga ito nina PNP Region 2 Regional Director Francisco Villaroman, PNP Provincial Director S/Supt. Jimmy Rivera at Santiago City City Director S/Supt. Sevirino Abad Jr., kapalit ang lingguhang limpak-limpak na payolang galing sa mga iligal na sugal.

Nabatid pa na pati ang mga hepe ng pulisya sa mga bayan-bayan sa nabanggit na probinsiya ay kontrolado umano ng mga nabanggit na gambling lords kapalit din umano ang ilang porsiyento sa kubransa ng kanilang kabo at kubrador araw-araw.

Hindi rin umano kayang ipatupad ang one strike policy ng PNP ni PNP Chief Director General Raul Bacalzo sa kanyang mga opisyal sa nabanggit na lugar gawa ng may tinatanggap din umanong limpak-limpak na payola na nagmumula sa Jueteng. Ito ang laging ipagmamalaki ng mga tinutukoy na gambling lord.

Gayun din, hindi kayang pahintuin umano ng mga nabanggit na opisyal ang talamak na operasyon ng video karera at fruits games ng mga nagnga-

ngalang Norma Bautista at Clyde sa lalawigan ng Isabela, dahil posible umanong kontrolado rin niya ang mga ito at agad din silang masisibak kapag pinakialaman ang mga iligal na hanap buhay ng mga ito.

Ilang mga magulang na ang nagrereklamo sa himpilan ng pulisya at mga tanggapan ng mga alkalde at mga government officials, dahil nalululong na ang kanilang mga anak sa video karera, pero hindi pa rin inaaksyunan ng mga ito upang hindi sila mawalan ng lingguhang payola.

(Parazzi Investigative Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.