Jueteng Lords sa Isabela, ‘di takot sa mga pulis

MISTULANG INUTIL ANG ‘ONE strike policy’ ni Philippine National Police Chief Director General Raul Bacalzo sa kanyang mga opisyal sa Isabela, dahil patuloy na namamayagpag umano ang ‘Jueteng’ operation sa nabanggit na probinsiya.

Ipinagmamalaki kasi umano ng isang bise-alkalde at mga galamay nito hawak nila sa leeg ang mga opisyales ng kapulisan sa ikatlo at ikaapat na distrito ng Isabela, kung saan naroon ang kanilang iligal na operasyon ng ‘Jueteng’ na nagkukubli sa prangkisa ng STL o Small Town Lottery mula sa PCSO.

Napag-alaman pa ng Pinoy Parazzi mula sa mga opisyal ng mga barangay at mga residente sa nabanggit na lugar na isang nagngangalang Vice Mayor Bentot P. at sina Tony Ong, Kapitan Rafael Martinez at Jojo Casabar ang mga namamayagpag na nagpapatupad ng nabanggit na iligal na ‘Jueteng’ sa nabanggit na probinsiya, na umano’y binibigyan sila ng proteksiyon nina PNP Region 2 regional director Francisco Villaroman, PNP provincial director S/Supt. Jimmy Rivera at Santiago City director S/Supt. Sevirino Abad Jr., kapalit ang kinsenas at katapusan na limpak-limpak na perang payolang galing sa mga iligal na sugal.

Nabatid pa na pati ang mga hepe ng pulisya sa mga bayan-bayan sa nabanggit na probinsiya ay kontrolado ng mga nabanggit na gambling lord kapalit din umano ang ilang porsiyento sa kubransa ng kanilang kabo at kubrador araw-araw.

Ang masaklap pa u-mano rito, sinumang hepe ng pulisya na makikialam o manghuli sa kanilang iligal na Jueteng ay agad ipasisibak sa puwesto nina Bentot at Ong, sa halip na sisibakin sila kapag nahulihan silang talamak ang Jueteng sa kanilang hurisdiksyon. Lumalabas na baligtad na umano ang nangyayari ngayon sa mga kapulisan na nagsisilbing sunud-sunuran na ang mga ito, kahit ikamamantsa na ng kanilang uniporme sa nasabing lugar. (Parazzi Investigative Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.