Jueteng at iba pang iligal sa Caloocan, tuloy pa rin

WALANG PAGBABAGO. TULOY pa rin ang operasyon ng Jueteng at iba pang uri ng iligal na sugal na hindi man lamang pinapansin nina Caloocan City mayor Enrico “Recom” Echiverri at P/Sr. Supt. Jude Wilson Santos.

Sinabi ng ilang police insider, talaga umanong hindi bibigyan ng kaukulang aksiyon ni Santos ang sugal na Jueteng at iba pang kauri nito, dahil natatakot itong mapagalitan ni Echiverri.

Ayon sa aming source, ang pangalang ‘Mark Echiverri’ ‘Ruzzel Ramirez’ at isang ‘Sherwin’ ang babanggain ni Santos kaya takot umano itong umaksiyon.

Ayon pa sa source, walang umanong takot at hayagang kung mangubra ng taya ang mga kubrador ng Jueteng ng tatlong nasabing Jueteng lord kahit sa kalsada at may mga pulis.

Wala na tuloy umanong naniniwalang tao kay PNP Director Gen. Chief Supt. Raul Bacalzo sa kanyang “one strike policy” hinggil sa operasyon ng Jueteng.

Inutil at walang silbi rin daw ang tanggapan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) dahil wala itong ginagawang aksiyon para masawata ang Jueteng sa buong kapuluan. Idinagdag ng source na mula sa tanggapan ng Caloocan police hanggang Crame at NCRPO ay tumatanggap umano ng payola sa mga nabanggit na pangalang nag-o-operate ng Jueteng sa Caloocan. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.