Judy Ann’s private wedding, not a surprise

MARAMING KABABAYAN NATIN ang nagulat , kahit ang ilang mga showbiz press, sa kasalang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos. Ako, hindi na ako nagulat. At bakit naman ako magugulat sa kasalan nila, ‘no?! Huh?!

Halos inaabangan ng kanilang mga fans ang kasalan, ngunit ayon sa iba, ipinagdamot nila ito, huh! Ayon nga sa aking nakausap, public property sila kaya dapat, malaman rin ng publiko ang kanilang kasalan, at hindi dapat itago.

Alam naman nilang maraming tagahanga ang young superstar, at ang asawa nito na si Ryan, huh! Gustung-gusto talaga nilang masaksikan ang kasalan ng dalawa, ngunit hindi ito gan’un sa inaasahan ng lahat, naging private nga kasi ang affair.

Noon ko pa nalaman na gusto talaga ni Judai na maging private ang kanilang kasalan, dahil halos lahat ay naipakita na niya sa publiko, at halos buong pagkatao niya, nai-share na niya sa lahat. Kaya gusto niyang maging private kahit sa kasal lang nila, huh!

Ngunti kahit tulog pa ang Diyos, huh, dahil umagang-umaga nga ito ikinasal, naroon pa rin ang ilang tagahanga ng dalawa na nakaalam, at naghihintay sa labas nmg church upang makita lang sila at ang ilang mga artistang invited sa kasal nila.

Kaya ako hindi nagtataka, dahil noon ko pa alam na maging private nga ito. ‘Yun na!

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.