Judy Ann Santos, tumatanggi na sa mga project!

NAGBABALIK NA talaga si Judy Ann Santos sa kanyang muling pag-aktibo sa showbiz, pero iyon ay sa abot lang ng kanyang makakayang tanggapin at gawing mga proyekto. Pagkatapos ng unang programa sa ABS-CBN, gumagawa na rin siya ng pelikula. Balik-teleserye na rin siya sa Against All Odds ng Kapamilya Network. Pero marami pa ring alok sa kanya na tinatanggihan muna niya, lalo pa’t tapatang sinabi ni Juday na hindi na talaga niya kayang magpuyat sa taping o shooting.

Una siyempreng dahilan ni Juday ay kailangan niyang makasama rin ang mga anak na sina Yohan at Baby Lucho. Pero pagkatapos talaga ng ilang panahong pamamahinga ay hindi pa rin talaga niya makakayang matagal iwan ang showbiz.

“Hindi na talaga ako puwede sa puyatan. Kaya nga ang sabi sa akin ni Ryan ay tanggapin ko lang ang mga trabaho na makakaya ko talagang gawin, dahil ayaw niyang tatanggap nga ako ng mga trabaho, pero magrereklamo naman ako ng sobrang pagod,” banggit ng young superstar.

Sobrang busy rin si Ryan sa kanyang career. Pero wala naman daw kinalaman ang muling pagbabalik ni Juday sa maraming trabaho, para hindi lang siya nasa bahay at nagseselos kapag may isyu na napapaugnay pa ang kanyang husband sa ibang babae.

“Walang ganu’n, eh. Si Ryan naman kasi, pagkatapos ng kanyang mga trabaho ay sa pag-uwi na kaagad sa house ang gusto niyan. Hindi kami ‘yung sobrang naghahanapan kapag wala ang isa sa house. Nagte-text lang kami, kumustahan. Pero ang ibang problema, pinag-uusapan kaagad namin ‘yan para maayos agad,” sabi pa ni Juday.

 

BLIND ITEM: Hindi naman maitatanggi ng mga artista sa showbiz, na karamihan sa kanila ay nakarating man sa rurok ng tagumpay na kanilang tinatamasa ay nangyari talaga sa kanilang nakaraan na para umangat ang estado ng buhay ay gumawa rin sila ng mga maling desisyon pero nagbunga naman ng kaunlaran para masabing nag-iba talaga ang takbo ng kanyang buhay. Mayroon sa kanilang yumaman, at mayroon namang hindi marunong humawak ng kabuhayan, kaya nanatiling isang kahig, isang tuka.

Mayroong magaganda at seksing aktres, na kung titingnan mo dahil hinahangaan ay para silang mga walang bahid-dungis ng kahalayan. Pero sa likod pala ng kahali-halina nilang mga hitsura ay naroon ang mga kalansay ng kanilang mga pinakatatagong lihim. Katulad na lamang ng aktres na si Marilou Valera.

“Naikakama rin pala siya ng mga pulitiko? Nagulat kami ng mga kasamahan ko nu’ng minsang makipag-meeting kami sa isang governor d’yan sa parteng South. Nakita naming lumabas sa kuwarto ni Gob si Marilou. Napakaganda niya at sumikat talaga, kaya hindi kami puwedeng magkamali na siya nga iyon. Sabi ng alalay ni Gob ay marami raw artistang naikakama si Bossing,” wika ng isang reporter na laging sipsip sa mga pulitiko kapag panahon ng halalan.

Ilang ulit nang natsismis si Marilou sa showbiz tungkol sa pagpatol niya sa iba’t ibang lalaki. Mayroon na ring mga bading sa showbiz na nagpapatunay na may tagong kalandian nga raw ang personalidad ng aktres na ‘yan. Kaya lang, napakahinhin niya, kaya marahil ay naitatago niya ang kanyang mga lihim. Hindi naman masyadong maraming raket ang nasabing aktres, pero nakapagtatakang mayroon siyang mga negosyong naipundar, kahit ngayon ay parang mala-mlam ang kanyang kasikatan.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

5 thoughts on “Judy Ann Santos, tumatanggi na sa mga project!

  1. wag nman masyadong tanggi ng tanggi, sbinga ni alfi mamaya dumating ang time na wala ng ofers na dumating sknya zana nman ang mghahanap ng ofers…lalona sobrang dami na ng mga artista ngaun….madaling malaos mga artista….. ilan nlng ung ngtatagal na gya nya….

Leave a Reply

Your email address will not be published.