Judy Ann Santos, takot maging salot sa pelikula nila ni Bong Revilla Jr. at Vic Sotto

SA PANAYAM namin kay Judy Ann Santos sa presscon ng pelikulang Mga Mumunting Lihim, sinabi ng aktres na masaya siya dahil kabi-kabila ang proyektong ginagawa niya sa kasalukuyan.

Aside from the said Direk Jose Javier Reyes’ film, kung saan nagwagi silang apat nina Iza Calzado, Agot Isidro at Janice de Belen ng ‘Ensemble Best Actress at Best Supporting Actress’, tatlo pang kasunod na proyekto ang pinagkakaabalahan niya sa ngayon – isang pelikula at dalawang TV shows.

Inusisa namin si Juday tungkol sa bago niyang pelikula kasama sina Sen. Bong Revilla at Bossing Vic Sotto kung saan siya na ang final na napiling maging leading lady ng dalawa, sa Si Enteng, Si Agimat at Si Ako.

Pag-amin ni Juday, “Alam mo sa totoo lang na-starstruck ako sa dalawa. Ahm… parang hindi hindi ako makapaniwalang ako ‘yung nasa gitna ng dalawang naglalakihang  leading men, marami namang puwedeng iba, ‘di ba? ‘Yung talagang sakto du’n sa karakter. Pero bakit ako? Alam mo ‘yun? May mga ganu’n kang tanong eh, paano ba?”

Agam-agam pa nito, “Paano ko ba to itatawid? Deserve ko ba talaga ang karakter na ‘to? Sadya bang ako ang nararapat na gumanap dito? But then again, again thankful ako na napili nila ako kasi palagi kong sinasabi na it’s a once in a lifetime opportunity na makasama sa isang proyekto ang dalawang malaking artista and it is something na I’m very really thankful. Dahil kumbaga, ang ‘Enteng’ at ang ‘Agimat’ ay nasa magkaibang history yan ng MMFF (Metro Manila Film Festival), pinagsama mo sila at ako ‘yung nasa gitna. Na nakakatuwa, nakakataba ng puso, sana…

“Ang ikinatatakot ko lang ngayon, si Enteng, nag-number 1… si Agimat, nag-number 1… nu’ng magkasama silang dalawa, bonggang-bonggang number 1, at walang nakahabol sa kanila. At sa pagkakataong ito na ako lang ang idinagdag sa pamilya nila, pag nag-number 2 kami, parang ako yata ang salot.

“Abut-abot ang dasal ko sa pressure na, sabi ko, ‘Lord huwag naman please… sana huwag naman, baka katapusan na nang career ko ‘to’.”

Aware kaya siyang second choice lang siya sa role sa pelikula?

Pag-amin nito, “Oo naman. Hindi naman ako… wala namang kaso sa akin ‘yun, ah. Ang trabaho ay trabaho and in fairness naman sa pagsusulat,  sa istorya, hindi naman siya ipinatern sa karakter ni Ai-ai as ‘Tanging Ina’. Kasi naging honest naman din talaga ako sa kanila (producers) na hindi ko kayang gawin kung ano ‘yung kayang gawin ni Ai, kasi nag-iisa siya pagdating sa ganyang pelikula, ‘di ba?

“At walang ibang makakagawa nu’n kasi siya lang ‘yun. Kaya naging tapat naman sila sa akin na sabihing ‘oo naman, alam naman namin ‘yun, at hindi naman ‘yun ang ibibigay naming papel sa ‘yo’. Kasi ang laking pressure noon talaga sa akin at ayoko namang isipin ng mga tao na nasapian ako ni Ai-Ai.

“Kasi hindi ko talaga kayang i-replicate kung ano ‘yung ginagawa ni Ai-Ai. Dahil mataas ang respeto ko sa kanya at kahit kailan, hindi ko magagawang pantayan ang kapasidad ni Ai-ai pagda-ting sa pagko-komedya. Siya lang ‘yun. Kaya kong tumawid sa pagko-komedya sa sarili kong daan… hindi ko alam kong paanong daan, pero tatrabahuhin ko ‘yun.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

4 thoughts on “Judy Ann Santos, takot maging salot sa pelikula nila ni Bong Revilla Jr. at Vic Sotto

  1. Baket naman  mag aalsabalutan si Judy ann “ensemada de Monay” Santos . Magaling ang kanyang adviser na si Alfie “Bulbul Sarado” Lorenzo na nver syang mag oover de bakod  o else finito la musica sya. He he he he he he….

  2. Mabuti na lang at hindi ito nag-alsa balutan itong si Juday papuntang ibang station. Kawawa si Claudine, nagmamadali kasing nag-alsa balutan, nalaos tuloy. Juday is taking off already while Claudine still has not even started her engine yet. Yan kasi kung pera lang ang pairalin sa mundong ito. Hayyyssss dignity is important too.

Leave a Reply

Your email address will not be published.