Judy Ann Santos, ready na uling magbuntis!

TALAGANG NAG-E-ENJOY SI Judy Ann Santos sa kanyang motherhood. After giving birth to her first son Baby Lucho last October 7 ay bininyagan na ito noong November 15. A hands-on mom to her kids Yohan and Baby Lucho, pina-nindigan ni Juday ang kanyang binitawang pahayag noon that she will take a break from showbiz after giving birth. Sinabi niya kasi na magpapahinga muna siya para mabantayan at mabigyan ng atensyon ang paglaki ng mga bata.

Pero hindi na muling maiinip pa ang kanyang mga fans dahil muling magbabalik ang nag-iisang Queen of Teleseryes sa isang bagong reality program ng ABS-CBN. Si Juday ang host ng Junior Master Chef na kabilang sa line-up ng mga exciting television shows ng Kapamil-ya Network ngayong 2011.

Junior Master Chef is a perfect comeback show for Juday who is known for her culinary skills. And who knows baka hindi matatapos ang taon ay magkakaroon naman siya ng isang panibagong teleserye?

Nakakatuwa naman ang mga kuwento nina Mommy Carol at ang elder sister niyang si Jackie tungkol kay Juday at sa kanyang mga ‘di malilimutang karanasan as mommy to Baby Lucho. Ang buong istorya ay mababasa sa January issue ng The Buzz Magazine.

Ayon sa kuwento ni Mommy Carol, “Maski wala siyang tulog makikita mo talaga, naaawa nga ako. Kahit wala siyang tulog, tatakbo siya. Pero natutuwa ako kasi gusto ni Lucho minu-minuto kasama niya ang nanay niya.”

Juday has sleepless nights pero masaya pa rin siya sa panibagong kabanatang ito ng kanyang buhay. Juday breastfeeds Baby Lucho who would cry every 30 minutes. Pero sabi nga ng mga kaibigan kong mommies, pagka-tapos daw ng lahat ng puyat at sakrispisyo mo para sa baby, it’s really all worth it. At gaya ng lagi kong sinasabi, babies are lucky.

Sinabi rin ni Mommy Carol na handa si Juday kung bibiyayaan uli sila ni Ryan Agoncillo ng panibagong baby soon.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.