Judy Ann Santos, pinayuhan si Sarah Geronimo na maging independent!

HINDI PA RIN tinitigilan si DJ Mo Twister sa katutukso ng mga co-host niya sa Juicy at Paparazzi tungkol sa kanila ni Rhian Ramos.

Ito namang si Mo, kapag tinutukso sa kanya si Rhian, tumatahimik lang siya, nakangiti na magdududa ka tuloy na meron talagang something sa kanilang dalawa.

Alam ko totoo ‘yung isyung nagkita sila sa Paris, pero consistent sila sa pagdi-deny kaya tsismis lang talaga ang dating.

Ang sumunod naman, nakita sila ni Arnold Clavio na magkasama sa Chili’s sa Morato, pero kasama rin daw nila si KC Montero kaya walang malisya raw ang pagkikitang ‘yun.

Sabi naman ni DJ Mo, hindi naapektuhan ang friendship nila ni Rhian ng mga ganu’ng intriga. Tuloy pa rin daw ang komunikasyon nila pero walang romantic churva sa kanilang dalawa. Okay!

Sey rin ni Rhian, madalas nga raw silang nag-uusap ni DJ Mo ngayon dahil may isyu silang napag-uusapan. Pinagtatawanan na lang daw nila ang intriga sa kanilang dalawa dahil wala raw malisya ang kanilang friendship.

Sige, ha? ‘Yun ang sabi nilang dalawa! Tingnan natin ngayon kapag nagsimula na sina Rhian at Aljur Abrenica ng bagong programa nila sa GMA-7.

Nagkaroon na ng story conference ang Romana Santa kahapon, kung saan magkatambal dito sina Aljur at Rhian kasama si Jackie Rice.

Siyempre, hindi mali-link si Jackie kay Aljur dahil open naman si Jackie na meron siyang non-showbiz boyfriend.

Sabi naman nina Aljur at Rhian, pareho silang single kaya posibleng magkadebelopan sila kung sakali.

Sabi nga ni Rhian, minsan nadadala niya ang karakter niya hanggang sa bahay niya dahil sobrang ini-internalize nito ang role na ginagampanan. Ang role pala niya rito, sobrang in love na in love kay Aljur, kaya baka nga totohanin na nito ang pagka-in love.

Posible naman daw ‘yun sabi ni Rhian, pero sana hanggang work lang daw. Tingnan natin diyan kung hindi mag-react si DJ Mo.

Sabi naman ni Aljur, single din siya kaya napakasuwerte raw niya at nakatambal nito si Rhian dahil ang dami nga raw aktor ang gustong maka-partner ito. Hay, naku! Hindi talaga malayong magkadebelopan ang dalawang iyan. Tandaan n’yo ‘yan, ‘Day!

TYPE NA TYPE ko talaga si Sarah Geronimo kaya kahit minsan tinatamad akong umatend ako sa mga presscon, hindi ko puwedeng dedmahin kapag nandiyan si Sarah.

Dinaluhan ko nga ang presscon ng Hating Kapatid na pelikula nina Sarah at Judy Ann Santos, kaya go talaga ako dahil bukod kay Sarah type ko rin si Juday siyempre!

Ang ganda ng chemistry nilang dalawa at nakikita mo talagang hindi plastikan ang closeness nilang dalawa.

Sabi nga ni Judy Ann, siya na ang tatayong ate kay Sarah na siyang mag-aalaga sa kanya.

Kaya nang tinanong nga ito kung kukunin ba niyang ninang si Sarah sa magiging baby nila ni Ryan Agoncillo, ayaw raw niya dahil gusto nito ate siya at hindi kumare.

Nakikita raw niya kay Sarah ang sarili niya nu’ng nagsisimula rin ito na walang ginawa kundi trabaho nang trabaho.

Maganda naman daw ‘yun at naiinis na nga raw siya sa sobrang pagka-professional ni Sarah. Pero pinapayuhan niya itong magpahinga naman at subukan daw nitong mag-travel mag-isa para ma-feel naman daw nito ang independence at malaki raw ang matutunan nito sa buhay.

Malaki ang pasasalamat nila at nagkasama sila rito sa Hating Kapatid, dahil nabuo nila ang magandang friendship na sabi nga nilang dalawa, forever na ito.

Sana maganda ang resulta ng Hating Kapatid na magsisimula na sa July 21.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

15 thoughts on “Judy Ann Santos, pinayuhan si Sarah Geronimo na maging independent!

  1. PUTA KA SARAH! inako mo na lahat ng endorsements. i’m sure pati sukang paombong papatusin mong hitad ka!

  2. tingnan natin after this article, bantay sarado si Divine at ama nito. Huwag sanang magrebelde si Sara at kawawa kayong mga magulang niya. Mawawalan kayo ng gatasan. Palalayuin nito si Sara kay Juday. Naging ganid ang mga magulang niya ng makatikim ng pera

  3. pati nga CP hindi puwedeng sumagot si Sarah. Na kay Divine ito at screen niya. Naawa rin ako sa batang ito. Dapat naman ang mga magulang niya bigyan ngk onting laya at bayaan na magenjoy ng konti si Sarah pati ba naman CP. kaya ayan nilalayuan ng kaibigan kasi gawa ni Divine laging nakabantay. kayong mga magulang ni Sara, maging considerate naman kayo. Tutal matagal na kayong namasasa sa kita ng bata. Masuwerte nga kayo at napakabait niya pero kailangan din niya ng life and have fun with friends

  4. kawawa ka sarah kung di ka susunod kay juday baka pati salapi mo maubos ng mga matatakaw mong magulang

  5. kakapal ng mga magulang ni sarah mas mahal nila ang pera kaysa sa anak nila maghanapbuhay kayo mga walang hiya huwag si sarah kikilin ninyo

  6. deserve naman siguro ni sarah ng konting independence. total siya ang bumubuhay sa buong pamilya niya. selfish ang parents niya at parang nakakulong si sarah sa shadow nila :( i commend her for being so respectful to her parents. kaso lang, siya yung ngsusuffer. she is literally crying out for freedom pero dahil mahal niya pamilya niya, wala siyang magawa. Juday is right! Baka nagalit si mami devine, haha natamaan siguro.

  7. natatakot lang ang magulang ni sarah na baka magrebelde o kaya mawalan ng kita, mawawalan din sila ng datong. sarah is their own personal bank account. siyempre aalagaan nila kahit anong mangyari

  8. Hoy Monay! ibang iba sa’yo si sarah ano! wag ka ngang magbigay ng payo dyan, masunurin lang talagang bata si sarah, di tulad mo, sumasagot sa magulang!

  9. ganda mo sarah.. sana kumanta k uli ng mga ballad. kc namimiss ko n yun eh.. ha? good luck s movie nyo ni judai

  10. patama ba ito no juday sa parentals ni sarah?! siguro ngkkwento si sarah kay judy ann kung gaano ka-strict si momm divine sa kanya. kawawa naman si sarah. trabaho ng trabaho para sa parents at mga kapatid na mas matanda pa sa kanya. dyos mio, bakit hindi magtrabaho. si sarah pa ang bumubuhay sa mga kapatid niyang may mga sarili na ring pamilya. tsk tsk.

Leave a Reply

Your email address will not be published.