Judy Ann Santos, pahinga muna sa showbiz

SA DALAWANG DEKADA niyang pamamayagpag sa industriya, walang kaduda-dudang si Judy Ann Santos nga ang nag-iisang Queen of Teleseryes. Naging kabahagi tayo ni Juday sa kanyang makulay na buhay na parang isang teleserye – may saya, may luha, may pagkabigo pero sa bandang huli ay may happy ending. From being a child star to being an excited mom, ibinahagi sa atin ni Juday ang latest developments about her pregnancy.

“Siguro mga ganyan kalaki (demonstrates with her hands). Siyempre pinapa-check ko iyong fingers at toes niya. Lahat pinagdarasal mo na sana normal, Everytime na makikita mo iyong baby mo sa ultrasound na nagkakaroon ng shape. Sa umpisa kasi, mukhang alien. Parang ‘tao ba yan?’ Ngayon nakatutuwa kasi, may mukha na. Itong huling ultrasound lumulunok na siya. Nakikita na namin iyong dila niya,” kuwento ni Juday.

Ryan and Juday call their baby boy Buchochoy. Si Ryan daw ang nagpalayaw sa baby. Si Yohan daw kasi, ang tawag nila ay Buding. So, para fair at habang wala pa silang naiisip na pangalan ay Buchochoy muna ang tawag nila sa baby.

Nakatutuwang malaman na hindi pa man naipanganganak si Buchochoy ay certified superstar na siya tulad ng kanyang mga magulang dahil sa dami ng mga endorsement offers sa kanya. “May mga ilan-ilan nang naghihintay at nag-aabang and we’re very appreciative and very thankful to them na nagpaparamdam sila. Nakatutuwang isipin na inaabangan nila ang paglabas ng baby at maraming maraming salamat po!”

A hands-on mom to her kids, Juday revealed on The Buzz that she will take a break from showbiz after giving birth. “Magpapahinga muna ako siguro ng isa o isa’t kalahating taon para naman mabantayan ko iyong mga paglaki ng mga bata. Ako naman, naniniwalang sapat naman iyong panahong naibigay ko sa mga tao for the past two decades na naging artista ako. Siguro hanggang mag-isang taon ang bagets, maibigay ko sa kanya ang lahat ng atensiyon ko, lahat ng pagmamahal. Top priority iyong mga bagets.”

Although she gained some weight, Juday considers her pregnancy a blessing. Napaka-selfish naman daw niya kung ang iisipin niya ay paano kapag hindi siya bumalik sa dating pangangatawan. Nagpapasalamat din siya dahil pinayagan siya ng kanyang direktor at producers na 10 oras lang siyang mag-shooting ng kanyang bagong pelikulang Hating Kapatid with Sarah Geronimo.

Wala namang dapat ikabahala ang kanyang mga fans kung magbe-break man from showbiz si Juday because she promised to come back. “Malaki ang aking tiwala sa ABS na sa pagbabalik ko ay may magandang proyekto silang nakaabang sa akin. Basta ang promise ko sa kanila, kapag ready na ako, magpapakita na ako sa kanila.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.