Judy Ann Santos, naiintindihan ang paglipat ni Claudine Barretto sa Siyete! – Pilar Mateo

ISA SA MGA bagay na naitanong kay Judy Ann Santos sa presscon ng Habang May Buhay ay may kinalaman sa paglipat ni Claudine Barretto sa Kapusong istasyon. Hindi naman nagpaka-ipokrita ang aktres sa kanyang binitiwang pahayag.

“Nagulat at na-shock ako pero at the same time, naintindihan ko naman agad kung bakit may ganoon siyang naging desisyon. Hindi naman siya nag-iisa sa pagi-isip ng ganu’n. Maaaring hindi lang ako ang artistang umaamin. O, baka nga ako lang ang artistang umaamin na nag-isip din akong lumipat, pero marami ‘yan. Hindi n’yo lang alam kung sinu-sino pero marami ang mga ‘yan.”

At sa hindi naman natuloy na desisyon niya ng paglipat, nasasabihan ngayon si Juday na siya pala talaga ang masasabing may loyalty sa Kapamilya network.

“Hindi naman. Ang sa akin lang, bilang isang artista, it’s something beyond that. Hindi na dapat maging usapan ‘yun. Sa akin kasi, sa panahong ito, kung gustong lumipat ng isang artista at doon siya magiging masaya, desisyon niya na ‘yun. Kung wala ka nang sapat na trabaho sa kung nasaan ka, tama lang naman, lalo na kung pamilyadong tao ka. Hindi na ang sarili mo lang ang iisipin mo.”

Dagdag pa nito, “Hindi maiiwasan na may mga mag-react. Pero, buhay mo ‘yan, eh. Susundin mo kung ano ang gusto mo na alam mong makabubuti sa ‘yo. Kaya ang dapat, intindihin na lang natin ‘yung tao. Kasi, hindi naman natin alam kung ano rin ang pinagdaraanan niya. I-wish na lang natin what’s best for her.”

Taon din ang binilang sa paghihintay para matuloy na ang naunang napabalitang magiging “Narserye” na naging Habang May Buhay na ngayon.

Now, Juday can heave a sigh of relief. Dahil magagawa na niya the things na napigilan siyang gawin. Kahit simpleng pagpapagupit lang at pagpapalit ng hairstyle niya. Kasi nga, iningatan ang continuity ng nasabing palabas. At makalalarga na rin siya kahit saglit for some rest and relaxation.

NAGIGING PABORITO NA nga bang showbiz get-away, even hide-away ang CamSur? Nagiging quiet ngayon ang aktor na si Jomari Yllana. At nitong nagdaang buwan, may nagtanong sa akin kung nagbakasyon ba roon si Jom dahil diumano, may nakakita rito sa nasabing lugar na may kasamang isang blondinang Pinay na medyo may edad daw kesa sa partner ni Ronald Singson sa kanilang Fearless Productions.

Sabi ng ilang malapit sa aktor, nagiging tahimik ang buhay ni Jom kapag nai-in love ito. Nakita na nga ba niya ang babaeng muling magpapatibok sa kanyang puso?

Sa side naman ng Fearless, in cooperation with Channel [V] Philippines, ipinarating sa amin ni Sir Ronald na may proyekto na sila sa February 6 sa pamamagitan ng isang music fest na gaganapin sa McKinley Hill sa The Fort, Taguig kung saan ipi-feature sina Kris Allen, Jabbawoceez at ang Boyce Avenue.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

4 thoughts on “Judy Ann Santos, naiintindihan ang paglipat ni Claudine Barretto sa Siyete! – Pilar Mateo

  1. Call boy ba si Jomari? Wala siyang masyadong trabaho pero me pera siya , ano? Noong sila ni Pops, si Pops ang naglalabas ng pera din. Sabagay..gamitina ng kaguapuhan habang bata pa !!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.