Judy Ann Santos, nahihiya ‘pag tinatawag na ‘Queen of Teleserye’

JUDY ANN Santos is back on the small screen via her newest primetime teleserye Huwag Ka Lang Mawawala which will start airing on June 17. Isang kakaibang Juday ang mapapanood sa series. She will play Anessa, isang battered wife na gagawin ang lahat makalaya lamang mula sa kalupitan ng kanyang asawa at maprotektahan ang kanyang anak.

Kasama rin sa inaabangang series sina KC Concepcion, Sam Milby, John Estrada, Mylene Dizon, at Ms. Coney Reyes.

Sa mahigit dalawang dekada niyang pamamayagpag sa industriya ay walang kaduda-dudang siya nga ang nag-iisang Queen of Teleseryes. Naging kabahagi tayo ni Juday sa kanyang makulay na buhay na parang isang teleserye – may saya, may luha, may pagkabigo pero sa bandang huli ay may happy ending. From being a child star to being a happy wife and mom, nasaksihan nating lahat ang bawat yugto ng kanyang buhay.

She is on top of her game pero sa kabila ng kanyang mga accomplishments as an actress ay aminado si Juday that she feels queasy about her Teleseye Queen tag. Kuwento niya sa kanyang interview with ABS-CBNNews.com, “Nahihiya ako sa totoo [lang]. Nakaka-flatter. Hindi ko tatanggalin ang pakiramdam na nakaka-flatter talaga. But then again, minsan iisipin mo ‘deserve ko ba ito, hindi ba parang OA ito?’”

“Kasi siyempre hindi mo maiiwasan na makapag-isip NAng ganito kasi may mga taong magbibigay ng negative na komento tungkol sa pagiging ‘The Queen’. Hindi naman po ako ang nagbigay nito sa sarili ko pero I’m flattered. Wala akong maisip para mai-describe ang nararamdaman ko kung hindi flattery at thankful.”

Lubos ang kanyang pasasalamat sa ABS-CBN dahil sa good projects na natatanggap niya.

Ipinakita ni Juday ang kanyang husay bilang isang aktres sa pagbibigay-buhay niya sa mga karakter na kanyang ginampanan sa mga teleseryeng Mara Clara, Esperanza, Sa Puso Ko Iingatan Ka, Basta’t Kasama Kita, Krystala, Sa Piling Mo, Ysabella, at Habang May Buhay.

Sinabi ni Juday na nagsimula ang kanyang tagumpay dahil sa Mara Clara. “Lahat-lahat ng iyan nagsimula sa Mara Clara. Dahil ang Mara Clara ang huling soap na umabot ng limang taon, iyon ang pinakatumatak sa mga tao. From there nag-start. Dahil siguro lumaki ako sa mata ng mga tao nang limang taon, at after that, sunud-sunod ang ibinigay na serye sa akin ng ABS-CBN. Kaya siguro nabansagan ako na teleserye actress. Doon ako nasanay at ito ang parte ng sistema ko na hindi ko makakalimutan. It will always be part of me.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

17 thoughts on “Judy Ann Santos, nahihiya ‘pag tinatawag na ‘Queen of Teleserye’

  1. STILL WHOLESOME AND POWER COUPLE RYAN AGONCILLO AND JUDY ANN SANTOS

    SHE DESEVE THE TITLE AS QUEEN OF TELESERYE NO MASSNO MESS

    • i am a judaian and claudinian fan..Ok.judai desrve being a young superstar,yan ang bansag sa kanya noon,when claudine is in the ground of abs..we try to recall,sino ang mas nauna sa corona as teleserye queen title..after they call a soap opera princesses around in mara clara,mula sa puso.esperanza and saan ka man naroroon…what happen after…humihina na sila,bumaba na ang rating ng kanilag telesrye unlike before,but as we remember muling nabuhay ang abs cbn ng pinasimulan ang fantaserye.yung marina.doon pinatunayan ni claudine sa maga tao,na gusto pa nya tayong pasayahin even mahirap sa underwater activity.then what happen.is it judai krystala’s soap defeated in marina’s rating.No,,kaya doon nabansagan na xang telesrye queen and even fantaserye queen.wlang iba kundi ang optimum star na si claudine barretto deseve for the title.

  2. LOVE MY IDOL MS.JUDYANN SANTOS EXCITED TO SEE YOUR DRAMA SERIES HUWAG KANG MAWAWALA.WILL WATCH IT EVERYDAY THATS MY IDOL JUDAY

  3. at least alam niya na ang title di talaga sa kanya original kasi si claudine tlaga ang nagmamay ari ng teleserye queen sana pati ang optimum star title ni claudine hindi ibigay din. para sa akin tama yung title ni judy ann na MAGNETIC STAR kasi ang alam ko yan ang tag name niya before ng mga fans niya. OPTIMUM STAR claudine 3x box office queen, MAGNETIC STAR judy ann 2x box-office queen at siyempre aminin sa hindi si sarah geronimo 4x box office queen ang susunod na nora aunor pero she deserves the title POP STAR. isang bituin na lang para pasok na sa henerasyon. sana claudine and judy ann in one movie title ANG T BIRD AT AKO.

    • alam niyo mga iha  since 8 taon pa lang para ipaalala sa inyo day  walng awayan to ha!     nagartista na si  juday umaarte! na  si cludine ilang taon pa ngartista yan ngkaroon ba ng  drama show  yhan nung walong taon bago kayo ngumawa . isa pa ang mara clara  lahatin niyo drma show ni claudine kung tumagal ng at least  limang taon!   sus me   bago kayo bumanat    pagaawayin niyo naman    tignan niyo laht ng ginawa . pareho lang sila judy ann talgang mukha ng pinoy sopap opera llahatin niyo   ang mga drama show na tumagal ng 5 years kaya nga iya ginawang teleserye queen   at na sakanya yung highest ratings na record na pinagsmahan nila ni robin padilla   action  drma     umabot ng 60%  sus me  hagilapin niyo ang record   laht ba ng show ni cludine tumagal nalagpasan ang limang taon na show ni  judy ann    yun daldal kayo ng dal!  umaabot ngayon  isang taon na lang wala pa !  w3al pang nakagawa sa  mara clara  na lagpasan sus me!  o ano ngayon!

      • tama ka po jan…. i love juday ann… kahit sabihin nilang suplada o ano pa man,,, at least pinaghirapan at nagsunog xa ng kilay para title na yan.. para sa akin deserving siya sa titulo…more power miss judy ann santos…

    •  at seniority!   nauna sa showbiz si juday  maqliit pa lang artista na dumaan sa mga audition pinaghirpan     niya yon . ok isa pa hind si juday nagbigay ng titulo sa sarili  wag kayong mgkandagaliti tao ngbigay   channel 2, ngbigay hind kayo!  ok simple hind niya hinhingi tulad ng iba  bibigyan ng sarili titulo makapal  ganun lang kasimple!

    • To everyone: I’m just saying based on facts. Juday rightfully deserves the title. First of all, Mara Clara remains to be the longest-running soap opera in history and this is also the soap which started it all. Concerning ratings, the soap which garnered the highest rating in tv history is Esperanza with 63%! Claudine just came in when Juday was already at the top. Juday made more teleseryes in ABS than Claudine. Claudine will always be second to Juday and facts will tell. And for the record, Claudine was crowned  TWICE not THRICE as Box Office Queen! The other award she got from GMMSF was Ms. RP Movies. Juday got 4 GMMSF awards: 3 Teenage Queen of Phil. Movies awards and lastly a Box Office Queen for her movie with Da’King FPJ. In 2006, she was pitted to be  the top contender for the Box Office Queen Title for her movies KKK and Don’t Give up on Us with box office returns totaling to more or less 350M. She was pitted against Claudine and Kris for their movie Sukob (Claudine’s last in Star Cinema) with 200M in Box Office sales. Everyone expected Juday to win because to be able to win the Box Office Queen title, you need to have the highest-grossing movies for the year regardless of how many films you have in that year. But controversy rose when Claudine and Kris won the award. Even up to now, that remains to be a controversy but we all know Juday was definitely the most deserving for the title. Rumors also say that that’s why GMMSF has never given Juday any award after her Box Office Queen win in 2000 because Juday wasn’t able to attend the Box office awards night for that award (because of valid reason)s and this caused the GMMSF to put Juday in their BLOCK LIST of those who can never received any award from them. They still include Juday in nominations (for formality for sure!) but they never let Juday win ever. But Juday still is the greatest actress of her generation and Claudine will always come next. Will always be second rate! :)

  4. Suplada yang si Judy Ann Santos sa tunay na buhay….At baki naman tinatawag na Queen of Teleserye?????…..Di ko sya type!

    • lahat naman ng tao may flaws artista man o hindi… ang importante jan ay may talent siya at napatunayan na niya ang sarili sa sa madlang people …..at nakakapagpasaya siya ng mga katulad naming mga simpleng tao lang…. en beside… ano man ngaun, suplada lang pala diba at hindi masama ang ugali diba…

    • Mas nauna si Claudine barretto sa title na teleserye queen,xa talaga ang totoong reyna,but since nagpapahinga xa at maraming mga pinagdaanan.si juday muna ang hahawak sa title.the real teleserye queen not only for camera base,but try to analize,sino ngayon ang may buhay na parang teleserye,sino ang naghihirap ngayon?sino ang maraming contrabida?sino ang palaban?..kinalaban xa ng Tulfo brothers,kinalaban xa ng naiinggit nyang kapatid na si greta at pabagsakin ang pangalan ni claudine,at higit sa lahat palaban na battered wife..ipinaglaban ang pagiging babae at bilang isang mapagmahal na ina…and I do believe that everything is malalampasan din iyon..just like teleserye sa bandang huli xa pa rin ang panalo…She is claudine,the optimistic and the real teleserye queen,not judai.

  5. INTERESTING ANG TRAILER NG TELESERYE NI JUDAY HA. PERO DI BAGAY NA KONTRABIDA SI KC. WALA SYANG “EVIL” FACE. MAAMO PA RIN ANG PAGTATARAY NYA. IN FERNEZ, MAGAGANDA ANG MGA SUOT NYA HA. SI SAM, NAKAKAARTE NAMAN. HALA, MAPANOOD NGA YAN.

  6. Nahiya p xia nian
    pero my post s ig the queen is back haha pero  deserving nmn tlga xia s title hanggang ngyon nmamayagpag parin 

Leave a Reply

Your email address will not be published.