Judy Ann Santos, kumpleto na ang pagiging babae

SA WAKAS AY natupad na rin ang matagal na nating hinihintay: Judy Ann Santos is now two months pregnant! Kinumpirma nila kamakailan ni Ryan Agoncillo ang magandang balita. Proud na ipinakita ni Ryan ang ultrasound image ng kanilang baby sa Eat… Bulaga! kung saan isa siya sa mga co-hosts.

Judai looks radiant. Sabi nga, a pregnant woman is the most beautiful woman in the world. Pregnancy is the most exciting and beautiful period in a woman’s life because there is another life that is growing inside her. It is indeed amazing that a pregnant woman is bringing a new life into this world.

In an interview with TV Patrol World, Judai said she had an ultrasound to confirm that she was really pregnant. “My pregnancy test was already positive but we didn’t want to announce it because the obstetrician said we should hold off until there was a heartbeat,” she said. Siniguro muna nilang mabuti na siya ay totoong buntis so as not to give false hope to people.

Matagal na raw nilang ipinagdarasal ni Ryan na magka-baby. “We’ve been waiting for this for so long after the wedding. It was really a good timing.” She has no gender preference for their baby basta ang mahalaga ay malusog daw ito.

Judai would have to take it slow when it comes to her work since she is pregnant. Abala siya ngayon sa kanyang teleseryeng Habang May Buhay pero maliban dito ay may dalawa pa siyang pelikula: one under Viva Films with Sarah Geronimo and another under Unitel with Direk Marilou Diaz-Abaya. “Extra careful lang sa work, medyo magbabawas lang ng konti sa trabaho pero tatapusin ko lahat ng nasimulan bago magbakasyon nang dire-diretso para maging safe ang baby at maging safe din ako.”

Mukhang naglilihi na si Judai because she is now craving for white-colored foods like panna cotta, macaroni soup and turnips.

Isang bukas na libro ang buhay ni Judai. We’ve seen her grow and bloom into a lovely lady. Naging saksi tayo when she fell in-love with Ryan on the set of Krystala, got engaged during her 30th birthday celebration at the Antulang Beach Resort, and finally got married at the San Juan Nepomuceno Church in San Juan, Batangas. Ngayon ay isang panibagong kabanata na naman ang ating matutunghayan as we wait together with Judai and Ryan for their first-born baby. Ngayon pa lang ay curious na ako kung sino ang magiging kamukha ng baby. Mabilis lumipas ang panahon at ilang buwan lang ay mayroon na ng kinakarga at tumatakbong little Judai o Ryan. At pagdating ng araw ay sumunod din kaya siya sa yapak ng kanyang magulang bilang artista?

Congratulations, Ryan and Juday!

Kaibigan, usap tayo muli!

(Erratum: Humihingi po kami ng paumanhin sa nailabas na litrato ng FT Island nu’ng nakaraang Biyernes sa kolum na ito. Ang Korean pop group na TVQX ang nailagay sa halip na FT Island. Muli, ang paghingi namin ng paumanhin sa mga mambabasa.- DJF)

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

One thought on “Judy Ann Santos, kumpleto na ang pagiging babae

  1. Congrats juday! There’s no greater miracle than the birth of a new baby. God indeed has blessed you with a sweet little bundle of love. :-)

Leave a Reply

Your email address will not be published.