Judy Ann Santos: kulang pa raw ang bayad sa kanya ni Sen. Jamby Madrigal?!

OLA CHIKKA! NAWINDANG talaga ko sa mga statements ni Judy Ann Santos nitong mga nakaraang araw. Ano bang ikinasasama ng loob niya nang sabihin ni Senator Jamby Madrigal na isang pagkakamali ang gumamit ng artista upang i-endorse siya?! Humingi na siya ng paumanhin kay Judai, ano pa ba’ng kulang?!

Nagagalit siya dahil hindi na siya kukunin ngayong kampanya? At ano pang sinasabi niya na kulang pa ang bayad sa kanya ng senadora? Eh, ilang taon na ang nakararaan, bakit ngayon niya lang ipinagkakalat? Naku ha!

Ano bang alam ni Judai sa bayarang naganap nu’ng panahong ‘yun? Ang tanging nakaaalam lamang ng katotohanan ay ang kanyang manager na si Alfie Lorenzo at kampo ni Sen. Madrigal.

Kahit nandu’n ang beauty ko nu’ng nagpirmahan ng contract ay hindi kinaya ng powers kong makita ang amount dahil… hindi ako ang manager ni Judai. Alangan namang ako ang pumirma ro’n, ‘di ba?!

At kung talagang walang itinatagong lihim itong si Alfie ay hindi siya magbabanta sa akin na hinding-hindi dapat malaman ng mag-inang Judai at Carol kung magkano ang ibinayad sa kanila, dahil sa oras na may makaalam ay hindi matutuloy ang project. Say n’yo?!

Say ko?! Paanong may makakaalam, eh, hindi ko nga nakita kung magkano, ‘di ba? Heler!! Kaya ganu’n na lang siguro kung magsalita si Judai na kulang pa ang bayad ng Senadora, dahil hindi niya alam ang buong katotohanan sa likod ng bayarang naganap. Excuse me pow!

AY, NAKU! HAYAAN na muna natin ang missing money at dumako tayo rito sa flying car ng aking twin sister na si Aiko Melendez.

Nakausap ko siya kagabi at sinabing hindi na talaga mare-recover ang kanyang na-carnap na SUV dahil naniniwala siyang may bahid ng pulitika ang kaganapang iyon at pinabulaanan din niya ang akusasyon sa kanya ng mga taga-city hall na lihim silang nagkikita ni Herbert Bautista roon mismo sa city hall!

Bakit sila magkikita? Alangan namang romantically-related, eh, mukhang imposible ‘yun. Paano sila magkikita, eh, sa
kampo ni Mike Defensor ang aking twin sister at hindi kay Herbert?
BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong napakaguwapong sexy actor na kung titingnan mo ay napaka-yummy at mayaman ngunit, ‘day, malalaman mong nagkakamali ka?!

Ganito nga ‘di ba… nagpunta ako sa isang party, kung saan nandoon din itong sexy actor na kalat na kalat na nagpapa-take-home, taray! Parang fast food lang, ‘di ba?! Magpapa-cute, manlalandi, mang-aakit – ‘yan ang kanyang modus operandi. Pero hindi ka naman magsisisi dahil performance level daw talaga.

Pero ‘wag ka lang magkakamaling magkulang ng talent fee dahil talagang magsisisi ka kahit gaano pa siya kasarap.

Magkano ang talent fee? Ay, naku ‘day, mawiwindang ka! Ten thousand pesos lang naman, bongascious! Pero puwede rin namang kalahati ang ibayad mo dahil paggising mo kalahati lang din naman sa mga kagamitan mo sa bahay ay maglalaho na nang tuluyan kasama niya. Gusto n’yo ng clue?!

Sino itong sexy actor na nagpapa-take home? Try n’yong itanong kay Kuya at alamin kung sino ang pioneer evictee sa kanyang bahay. Ha-ha! ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

11 thoughts on “Judy Ann Santos: kulang pa raw ang bayad sa kanya ni Sen. Jamby Madrigal?!

  1. ANG SABI NI “PENGUIN 60” (kung sino ka man NA GURANG) AY:

    kung hindi man nakapagpasa ng bill si Noynoy, hindi naman siya nagnakaw paris ng mga nagpapasa ng bill na yan.may record ba si Noynoy an nagnakaw paris ng mga iniidolo nyo na maging Presidente?

    ANG SAGOT KO NAMAN AY:

    GANYAN, DI INAMIN MO RING WALANG NAGAWA SI NOYNOY ABNOY SA SENADO.

    ANONG HINDI NAGNAKAW? HINDI BA PAGNANAKAW ANG TAWAG DOON SA TANGGAP NG TANGGAP NG SWELDO AT PORK BARREL NA MILYON MILYON NA WALA NAMANG KAPALIT NA TRABAHO? SAMANTALANG MILYON-MILYONG PILIPINO ANG WALANG MALAMON. E ITONG NOYNOY ABNOY NA ‘TO MAY HACIENDA NA AY SYA PANG KUMUKUHA SA KANING ISUSUBO NA LANG NG MGA MAHIHIRAP.

    MAGNANAKAW DIN ANG TAWAG DOON. MASAHOL PA.

    26 YEARS OLD PALANG YANG NOYNOY ABNOY MO NAGKASALA NA NG GRAFT. DAHIL PAG-UPONG PAG-UPO NG NANAY NYANG SI CORY NAGTAYO AGAD YAN NG SECURITY AGENCY (SBA) NA KOMONTRATA SA IBAT-IBANG AGENSYA NG GOBYERNO. DOON MISMO ANG ADDRESS SA ARLEGUI. SA BAHAY NG PANGULO. ANG KAPAL. UMABUSO NA AGAD. LAHAT NAMAN NG ANGKAN NG MGA ABNOY NA ‘TO NAG KANYA-KANYA NG KABIG.

    DAPAT KINASUHAN YON PATI ANG NANAY NYA NG GRAFT PERO SYEMPRE KASABWAT SI NANAY
    NA SI “SAINT CORY OF DEMOCRACY” O DI BA? PWE, NAKAKAHILO ANG BAHO.

  2. Rico Barrera
    Rico Barrera (born Frederick Barrera on December 29, 1981 in Olongapo City, Philippines) was the first housemate evicted from Pinoy Big Brother.

    Prior to entering the house, Rico was a singer in Japan. He was the first housemate evicted, on his 21st day in Pinoy Big Brother’s house. Among the violations that put him automatically into nomination were jumping into the pool while still wearing his lapel microphone and accidentally causing a pan to catch a flame, setting off the fire alarm.

    source: http://en.wikipedia.org/wiki/Pinoy_Big_Brother_(season_1)

  3. paano na kung wala na si swarding di wala na tayung entertainment?

    yung mga may ayaw sa kanya wag basahin at dibdibin ang mga issue nya, i delete agad at kung may konting bahid ng katotohana di paniwalaan.

    sobra naman kayung fanatics na makanti lang ang idolo nangagalaiti na.

  4. juday’s tf kay jajajajamby is 30 million… tanungin niyo pa PR na naghahandle kay jamby noon…. nagsisi din yun. hindi niya alam natulungan niya, loka loka! jajajajamby!

    • msmang yan day baka magsi2 ka na 1 sa mga araw na to sa pamilya mo bumlik yan…mglit ka na sa knya but wag kng mnlngin ng kmtyan sa kapwa mo.

  5. ganito na lang swards…

    tatakbo akong senador ha, bayaran kita ng milyones… tapos pagnanalo ako sabihin ko wala kang kuwentang endorser at pinagsisisihan kong kunin ang serbisyo mo. SORRY ha… ok na ba yun sa iyo… at idagdag mo pa, yung nakalagay sa kontrata na bayad ko sa iyo… saka na lang yung balance ha… pero nagsisisi talaga akong kunin ka… hmmm… come to think of it mukhang pera pera ka lang naman kaya i’m sure di mahu-hurt ang feelings mo… wala ka kasing prinsipyo.

  6. tang na ka talaga Swarding ikaw talaga ang bakla na walang pakinabang sa earth kundi manira ng kapwa…

    tseee.. papansin gagamitin mo pa si juday sa mga kasinungalingan mo… BAKLA !!!

    • papansing tong si swarding kung makasita akala mo naman kung sino.. kailangan nga kaya to mamatay.. basura sa lipunan lang eh..

Leave a Reply

Your email address will not be published.