Judy Ann Santos, gusto na uling magbuntis!

BAGO MATAPOS ang buwan ay magsisimula na pala si Judy Ann Santos ng shooting sa pelikulang Si Agimat, si Enteng at si Me, kung saan siya lang ang nag-iisang leading lady nina Vic Sotto at Sen. Bong Revilla.

Excited nga si Juday dahil first time nilang magsama ni Bossing Vic at gusto naman daw niyang makasama uli si Sen. Bong.

Bago niya tinanggap ang project na ito, tinapat na raw niya si Direk Tony Cruz na hindi niya kaya ang role ni Ai-Ai delas Alas.

Aware naman siyang si Ai-Ai talaga ang original na leading lady ng dalawa, kaya lang nagkaproblema sa Star Cinema, hindi na siya pumuwede.

Kaya medyo natagalan dahil gusto naman niyang linawin kung ano ang role niya.

Nu’ng ni-revise ang script, nakita naman niyang bumagay sa kanya at nakatutuwa raw ang kuwento.

Kaya excited na siya at siyempre nandiyan ang pressure dahil nakikita namang consistent sa pagna-number one sa box-office ang pelikula nina Sen. Bong at Bossing Vic.

Natatawa nga niyang sinabi na kung sakaling hindi ito mag-number one, malamang na siya ang dahilan.

Hindi naman mangyayari ‘yan siyempre! Tiyak nang maganda ang kalalabasan n’yan dahil bukod sa mga supporters nina Bong at Vic, marami rin ang kay Juday. Kaya tiyak na hit na hit ‘yan!

Natuwa nga si Juday kay Ryan Agoncillo, dahil nu’ng nalaman niyang tinanggap na ng asawa niya ang project na ito, tinanggihan na niya ang offer ng Unitel na dapat siya ang bida sa filmfest entry nila.

Ayaw naman daw niyang kalabanin ang asawa niya.

Nakatsikahan ng Startalk crew namin si Judy Ann sa press preview ng indie film niyang Mga Mumunting Lihim na entry ni Direk Joey Reyes sa Director’s Showcase ng Cinemalaya Film Festival.

Isa sa natanong sa kanya ay kung kailan na raw nila susundan si Baby Lucho.

Sabi naman ni Judy Ann, kung puwede na ngayon, ready na siya. Gusto pa raw sana nila ni Ryan ng isa pa para okay ‘yung tatlo.

Pero so far, wala pa raw siyang nararamdaman kaya naghihintay lang sila.

Sana raw mabuntis siya uli bago siya mag-37 years old. Ayaw naman daw niyang lumagpas pa du’n at baka mahirapan siya uling mabuntis.

 

PAGKATAPOS NG libing ni Mang Dolphy, gusto na raw munang magpahinga nina Zsa Zsa Padilla at ng kanilang mga anak.

Hindi pa masabi kung magbabakasyon ba muna sila, pero gusto na lang daw muna nila ng tahimik na buhay.

Tumatanggi na nga sila ng mga interviews dahil nahirapan na rin silang pag-usapan ito nang paulit-ulit.

Ang gusto na lang nila ay magkaroon ng panahon silang mag-ina at ilang malalapit na kamag-anak at kaibigan na magsama-sama.

Ang pagkakaalam ko, nagbakasyon muna si Eric Quizon sa ibang bansa. Baka nag-Hongkong ito at tumuloy ng Amerika.

Kuwento naman ni Nene Riego, pagkatapos daw ng libing ni Dolphy, natulog lang daw si Vandolph ng buong araw.

Parang depressed pa rin daw ito kaya idinaan na lang niya sa tulog.

Mahirap lagpasan ito, kaya nagsasama-sama silang magkakapatid na kakayanin nila ang kalungkutan at sob-rang pagka-miss sa kanilang ama.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Judy Ann Santos, gusto na uling magbuntis!

Leave a Reply

Your email address will not be published.