Judy Ann Santos, enjoy sa pagbi-breastfeed kay Baby Luchio!

HABANG TUMATAGAL, LALONG nagiging kamukha ni Judy Ann Santos si Baby Luchio, kung saan ay kuhang-kuha na ang lips ng aktres.

“Ganu’n pa la, totoo pala ‘yung kasabihang masarap maging ina, iba ang feeling, hindi mo maipaliwanag,” excited na kuwento ni Judy Ann sa amin. Nalaman pa namin sa aktres na pumayag na siya sa isang project sa Channel 2, dahil may time daw siya para alagaan ang kanilang baby ni Ryan Agoncillo. “’Yun naman ang condition ko, ‘yun bang ayokong malayo sa anak ko nang mahabang oras.”
Sinabi pa ni Judy Ann na tuloy na tuloy na raw ang proyekto niyang iyon na may kinalaman sa pagluluto. “Maganda ang story, kaya kahit buntis pa lang ako nu’n, eh okey na sa akin. Kasi ang makakasama ko rito, puro mga bagets at pam-bagets. Natural hindi puwedeng abutin ng gabi o madaling-araw.”

Sa ngayon, enjoy pa rin si Judy sa pagpapa-breastfeed kay Baby Luchio. “Ang lakas-lakas niyang dumede. Noong una, medyo nasasaktan ako, pero lately, nasanay na rin ako. ‘Pag nagugutom nga ‘yan talaga, pigang-piga ang dibdib ko. Ang lakas-lakas niyang dumodo.”
Hindi na raw kailangang ingatan pa ni Judy Ann ang kanyang dibdib. “Basta para sa anak ko, sige, bakit ko naman ipagdadamot sa kanya ‘yun, e, para naman talaga sa kanya ang gatas ko.”
Kahit mag-work na raw si Juday, hindi niya ititigil ang pagpapa-breastfeed kay Baby Luchio, dahil nais daw niyang ipadama sa kanilang anak ni Ryan na ito ay tao, kaya nangangailangan ng gatas ng isang tao. “Magpapadodo rin siguro ako sa bote, pero hindi lahat du’n. I mean, mas gusto ko pa rin ‘yung sa akin manggagaling ‘yung kakainin niya.”

MATINDI ANG HIRAP na inabot nang dating alalay ni Jennylyn Mercado na si Rowena (Mel) Pulmano sa piitan ng Camp Caringal for more than two years. Sa pagkukuwento ni Mel, napag-alaman ng Pinoy Parazzi na aquitted siya sa kasong Qualified Theft thru Falsification of Document. “Dalawang kaso na ang aquitted na ‘ko. Du’n sa Branch 77 para sa Falcification of Documents, at sa Branch 33 para sa kasong Estafa naman. Bale rito sa Branch 88 at Branch 129, ang inaantay ko.”
Ayon kay Mel wala siyang galit kina Becky Aquila at Jennylyn, bagkus ay nagtataka lang siya kung bakit nagawa ng mga ito na saktan siya. “Ang sakit-sakit dito sa puso ko, kasi minahal ko sila, hindi ko inisip na mangyayari ang ganito. Wala akong galit sa kanila, nagtataka lang talaga ako kung bakit ganito ang nangyari sa akin, gayong sa pagkakaalam ko, minahal ko sila nang higit pa sa aking buhay.”
Isang alaala na kailanman ay hindi raw malilimutan ni Mel ay nu’ng mga panahong pumunta raw sa kanilang bahay si Jennylyn at hinalughog diumano ang kanilang mga kagamitan. “Ayoko nang ikuwento pa kung ano ang ginawa niya, kasi bilang ina, parang hindi ko ma-take kung ano ang ginawa niya sa aking anak. Alam ni Jennylyn kung ano ang ginawa niya.”
Tuluy-tuloy ang pagbaha ng luha ni Mel at nagbabalik-tanaw ito sa mga pangyayaring naging dahilan kung bakit siya nakakulong. “Two years na ako rito at natatandaan ko pa noon, tumawag sa akin ang aking mga anak at kinumusta nila ako. Ang sabi ko, rito lang si Mama, busy lang ang daming ginagawa. Inilihim kong nakakulong ako, pero isang araw nagulat ako nang dumating dito ang mga anak ko at naabutan nila akong nakasalampak sa semento, nag-iiyak ang anak kong babae at nakikiusap na kung maaari ay sa loob na rin siya ng selda matulog para makatabi ako. Gaano kasakit iyon para sa isang ina? Pero hindi ako nagpakita  nang  kahinaan   sa  aking mga anak, hindi ako umiyak sa harap nila, pag-alis nila, saka ako nagsisigaw at nag-iiyak nang todo. Hindi ko ipinadama sa aking mga anak at sa asawa ko na bagsak ako, ipinakita ko sa kanila na kahit ganito ang nangyari sa akin, kaya ko.”

Sa tuloy tuloy na pag-agos nang mga luha ni Mel, napag-alaman pa rin ng Pinoy Parazzi na nakapagpiyansiya siya ng P60 thousand dahil sa mga kaklase niyang dumalaw sa kanya. “’Yung mga classmate ko, dumalaw rito, almost hindi ko na sila matandaan. Naalala ko lang sila nang ipakita nila sa akin ‘yung mga class pictures namin. Alam mo, marunong ang Diyos at alam ko na matatapos din ang problema kong ito at makakasama ko rin ang aking mga anak at magiging malinis din ang pangalan ko,” pagwawakas ni Mel sa Pinoy Parazzi.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

5 thoughts on “Judy Ann Santos, enjoy sa pagbi-breastfeed kay Baby Luchio!

  1. hindi lilipat si juday s atv5,,si KRISTIN HERMOSA ang napapabalitang lipat sa tv5,..lets see,,malaki yata offer s akanya dun,,

  2. ayy juday youre the best talaga when it comes to acting, career and everything especially your family. an inspiration to all. judy ann is a TRUE KAPAMILYA!

    yown!

  3. Pingback: Tweets that mention Judy Ann Santos, enjoy sa pagbi-breastfeed kay Baby Luchio! | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.