Judy Ann Santos, ‘di makikipagkumpetensiya sa mga nagre-reyna-reynahan sa TV

MARUNONG MAKUNTENTO sa buhay si Judy Ann Santos, at marunong din siyang magtiis sa mga panahong kung ano lang ang mayroon siya, at pinagsisipagan na lang niya iyon para makuha. Marunong siyang magpasensiya sa buhay, dahil bata pa siya nang magkahiwalaya ang kanyang mommy’t daddy, kaya alam na niyang makipaglaro sa takbo ng buhay, maging sa mahabang itinakbo ng kanyang showbiz career na pinanghahawakan pa rin niya hanggang ngayon.

Hindi nagpapakaperpektong tao si Judy Ann, pero ang itinuturing niyang pambalanse sa kanyang buhay at career ay ang kanyang pamilya. Lalong umaliwalas ang mundo ni Juday nang dumating sa lovelife niya si Ryan Agoncillo at magkaroon sila ng mga anak. Nagdagdag ng lakas sa kanyang pagkatao ang mga natututunan niya kay Ryan, dahil matalinong tao ang kanyang husband. Na kung ano ang mga hindi pa niya alam dati, naituturo iyon sa kanya ng guwapong TV host.

Sa takbo ng career, wala na siyang dapat pang patunayan. Narating na niya ang lugar niya sa showbiz, na gustong marating ng ibang artista. Tinatawag na namang reyna ng teleserye si Juday, dahil ipapalabas na ang “Huwag Ka Lang Mawawala” sa ABS-CBN.

Pero sa titulong reyna ay masarap lang iyang pakinggan. Kung sino pa ang ibang reyna d’yan, hindi makikipagkumpitensiya si Juday. Pero para sa masa, mga yapak ni Juday ang kanilang sinundan sa paggawa ng teleserye.

MGA PAGLILINAW lang naman tungkol sa pag-alis sa poder ng talent manager na si Popoy Caritativo ang gustong malaman ng maraming naguguluhan sa showbiz. Kung bakit sa kabila ng mga naipangalandakan na magaganda naman ang kanilang mga samahan ay nauwi sila sa paghihiwalay ng landas.

Sa ngayon ay si Dennis Trillo na lang ‘yung isa sa nagtatagal sa poder ni Popoy na patunay rin na ang kontrobersiyal na talent manager ay hindi magaling diumanong mag-alaga ng artista.

Likas na mabait na tao si Dennis, kaya walang reklamo ang mga press at iba pang taga-showbiz, dahil kahit lapitan mo siya nang mag-isa lang siya, marunong talaga si Dennis makibagay at makipag-usap sa mga taong lumalapit sa kanya. Marami ang nababaitan kay Marian noon, pero habang tumatagal ay para raw nagkakaroon ng wall sa kanyang pakikisama, at si Popoy ang naituturong dahilan, dahil namimili raw ng mga manunulat na kinakaibigan.

Hindi lang naman si Marian ang parang napalayo sa mga dating kakilala na malapit sa kanya. Pati si Martin Escudero na umalis na rin ngayon sa poder ni Popoy ay marami ring dating kakilala ang nalungkot, dahil nagkaroon siya ng pagbabago. Katulad na lamang nu’ng minsang mag-birthday ang kasamahan sa panulat na si Rommel Placente, na malapit kay Martin.

Regular na iniimbita ni Placente si Martin kapag may birthday party siya. Pero nu’ng sumikat na siya, nagulat ang nasabing manunulat, dahil hindi na pumupunta si Martin. At ang naituturong dahilan ay ayaw diumanong payagan ni Popoy na um-attend ng party.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Previous articleNora Aunor, sobra ang pagpapahalaga sa fans
Next articleSa sunud-sunod na ‘pambabastos’ sa mga iniidolo ng masang Pinoy
Georgina Wilson, kakastiguhin na ng samahan ng entertainment managers?!

No posts to display