Judy Ann Santos, ‘di hahayaang mawalan ng panahon sa pamilya dahil sa trabaho

HINDI LANG naman sa career ang pagtutok ngayon ni Judy Ann Santos sa kanyang buhay. Dahil magmula nang magkaroon siya ng sarili niyang pamilya, iyon na ang sobrang saya ng mundo na hindi niya maipaliwanag na kanyang nararanasan, na sa tingin niya ay hindi dapat maagaw sa kanya ng ibang tao, sitwasyon o mga mahahalagang bagay lang. Masaya si Juday sa piling ng kanyang pamilya, sa husband niyang si Ryan Agoncillo at sa mga anak nilang sina Yohan at Baby Lucho.

Hindi na bago para kay Juday ang magkaroon ng mga kontrobersiya, dahil ilang taon na siya sa showbiz at narating na niya ang kasikatan na pangarap ng maraming artista. Ngayong nalalagay na naman ang kanyang pangalan sa kontrobersiya dahil sa nakatakdang pagtatapos ng teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala ng ABS-CBN, kalmado lang si Juday sa kung anu-anong intriga na ibinabato sa kanya. Na para bang siya ang nawawalan sa career.

Mahal ni Judy Ann ang kanyang career, pero sinabi na niya noon, na kapag nagkaroon na siya ng sariling pamilya ay magbibigay talaga siya ng nauukol na panahon sa kanyang asawa at mga anak. Ito na nga ang panahong sinasabi niya.

Kung mayroon man siyang mga proyekto sa ngayon, hindi rin niya gusto na kasing-haba ng Mara Clara noon ang kanyang mga serye, kung ang kapalit naman ay mapapabayaan niya ang kanyang pamilya. Masaya si Juday na mayroon siyang mga trabaho, pero hindi siya papayag nang dahil sa kanyang mga trabaho ay matagal siyang mawawala sa paningin ng kanyang pamilya.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

5 thoughts on “Judy Ann Santos, ‘di hahayaang mawalan ng panahon sa pamilya dahil sa trabaho

Leave a Reply

Your email address will not be published.