Judy Ann Santos, deadma lang sa ‘hiwalayan’ issue nila ni Ryan Agoncillo

TINATAWANAN LANG daw ni Judy Ann Santos ang kalat na kalat na issue na hiwalay na silang mag asawa. Hindi nga raw nila alam ni Ryan Agoncillo kung sino at kanino galing nasabing tsismis.

Hindi nga raw nito alam ang intensiyon ng taong nagkakalat nito, gayong napaka-solid ng kanilang relasyon at mahal na mahal nila ang bawat isa. Naawa nga raw si Juday sa babaeng nali-link sa kanyang asawa na si Isabelle Daza, dahil kabagu-bago pa lang daw nito sa showbiz ay nali-link na sa may asawa.

“Pinagtawanan na lang namin ni Ryan ang isyu, pati ’yung annulled na raw ang kasal namin. Sabi nga ng asawa ko, ‘mabuti para mapakasalan uli niya ako’. Hindi ba puwedeng maging masaya. Hindi ako affected, magsasayang lang ako ng oras.”

Kahit nga raw si Ryan ay deadma lang sa nasabing issue dahil wala naman daw katotohanan. Mahal na mahal nito si Juday sampu ng kanilang dalawang anak.

 

HINDING-HINDI RAW makakalimutan ng tinaguring Mr. Excitement na si Xavier Cruz ang kanyang karanasan sa pagtungo nila ng pamilya niya sa Holy Land sa Jerusalem, Israel para bisitahin ang lugar kung saan isinilang si Jesus Christ.

Tsika nga ni Xavier na kinilabutan siya nang mapuntahan niya ang lugar, at kahit nga hindi na ganu’n ang actual na hitsura, dahil tinayuan na ito ng simbahan at nasa ilalim na ang lugar kung saan matatagpuan ang nasabing sabsaban ay iba raw ang kanyang naramdaman nang makapasok doon.

Feeling daw nito ay nahugasan lahat ng kanyang nagawang kasalan at hindi raw niya maipaliwanag ang sobra-sobrang kasiyahan habang naroroon siya. Ilan sa binisita at pinuntahan ng pamilya ni Xavier ay ang Western Wall, Church of the Holy Sepulchre, Dome of the Rock, Temple Mountain, Mount of Olives, at iba pa.

Maraming bagay raw ang nalaman ni Xavier at ng kanyang pamilya sa bayan ni Jesus Christ. Dito rin daw dinasal ni Xavier na patnubayan siya ng Diyos, sampu ang kanyang pamilya, at bigyan siya ng maganda at malusog na pangangatawan at gabayan siya sa kanyang propesyong napili, ang pag-awit at pag-arte.

 

NAGING MATAGUMPAY ang katatapos na Beat the Summer Heat 2013 na ginanap last April 28 sa Bohol Cultural Center na hatid ng MHU Production and Talent Center at ng Global Health Shield Trading, kung saan naging espesyal na panauhin ang teen star na si Hiro Magalona kasama ang award-winning teen rap artist na si DJ Joph, beauty queen/ singer Gina Damaso, L Sabor, Bohol Divas na sina Mae at Feliz, at ang Le Phats na sina Vrinnel at Joie.

Nagpakitang-gilas din sa pag-awit ang mga estudyante ng MHU na sina Kyra Jillian Namor, Mikee Anne Libay, Charity Dawn Monteron, Danniel Dave Camacho, Celine Lim, Mary Crystal Gucor, Orfeshine Quinones  at Bridget Joy Dielin. Habang humataw naman ang Pot’z Screw Dancers.

Dumalo at nagbigay naman ng mensahe ang mabait, masipag, batam-bata at guwapong numero unong councilor ng Tagbilaran, Bohol na ngayon ay tumatakbong mayor na si John Geesnell “Baba” Yap, na isa sa naging sponsor ng nasabing show, kasama ang Blue Crystal SPA, Infinet Global Marketing Systems, UPS-GPRS, Mr. and Mrs. Loy Sumampong, Gov. Edgar Chatto at Hon. Yul Lopez.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

6 thoughts on “Judy Ann Santos, deadma lang sa ‘hiwalayan’ issue nila ni Ryan Agoncillo

  1. nakakainis nanga yang isue nyan kc  pabalik-balik nlang at wala nman tlagang basehan kc nakikita nman naten kun gano cla kasayang mg-asawa…..at saan ka nman nakakita ng asawang pinagtatanggol paung mga babaeng nalilink sa asawa nya like nung c diana meneses at ngaun nman esi isabelle daza, ngtataka panga za saan nggagaling lahat ng isue…..bka nga my ngpapakana lng dyan para mpag-usapan cla kc walang mapag-usapan sa knila kundi ung masaya nilang samahang mg-asawa…

  2. Admirable couple dapat eto tinularan ng ibang taga showbiz npaka private kc nila s kanilang personal na buhay kaya gnagawan nalang ng issue.

Leave a Reply

Your email address will not be published.