Judy Ann Santos, buntis na?!

HANGGANG NGAYON NAGHIHINTAY pa rin si Paolo Contis sa panganganak ni Lian Paz dahil nu’ng nakaraang linggo akala niya nagli-labor na ito.

Medyo nakaramdam na raw ng sakit ng tiyan si Lian at bumababa na ang tiyan nito, at ang sabi naka-1 cm na raw ito.

Matagal pa ‘yun, kaya hindi muna ito pina-confine ng hospital. Pinaglakad daw nang pinaglakad ni Paolo si Lian para matagtag ito pero mukhang matatagalan pa.

Pero inaasahan na raw niyang ngayong linggong ito ay manganganak na si Lian, dahil malapit na talaga.

Ang wish nga nila, sana mahintay pa ang birthday ng namayapang ama ni Paolo sa March 4 para maging ka-birthday raw ito ng magiging baby nila. Mukhang aabot naman kaya excited sila.

Baby girl itong iluluwal ni Lian at may name na silang napagkasunduan kaya handang-handa na sila.

Gusto nga ni Paolo na magbawas muna ng trabaho dahil gusto nitong nandu’n siya sa tabi ni Lian ‘pag nanganganak ito at personal niyang bantayan ang baby.

Dumating naman ang isa pa niyang programa na kapalit ng OC to the Max. Alangan namang tanggihan niya, kaya todo-kayod muna siya ngayon dahil mas kailangan niya.

Hintayin na lang natin ang balita mula kay Paolo na nanganak na si Lian. Malamang bago matapos ang linggong ito, iluluwal na ni Lian ang first baby nilang Xonia Aitana ang name.

NAPANOOD KO SA Tweetbiz ang interview nila kay Gladys Reyes na parang nagpapahiwatig na itong buntis nga si Judy Ann Santos.

Sinasabi niyang naramdaman niyang malapit nang mabuntis si Judai at binibigyan na nga raw niya ng tips ang bestfriend niya kung ano ang mabuting gawin ‘pag nagbubuntis.

Kumalat kasi ang balitang buntis na ito pero wala pa ring sagot si Judy Ann at kahit si Ryan Agoncillo. Mukhang pinaghahandaan nila ang announcement pero walang nakaalam kung totoo o hindi. Basta hintayin na lang daw dahil pinaghahandaan na nila ang announcement na ito.

Ang dinig ko nga, sa Eat… Bulaga! nila ito ia-announce kaya abangan na lang natin dahil malapit na ’yan.

Tuloy pa rin naman daw ang bakasyon nila sa Europe para sa second honeymoon na sana nila. Pero kung totoong buntis, baka hindi na itutuloy.

Ewan ko lang, ha? Basta abangan na lang natin dahil hindi naman ito itatago ng mag-asawa, at tiyak namang tuwang-tuwa pa silang ibalita ito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

8 thoughts on “Judy Ann Santos, buntis na?!

  1. Ano kayang ginawa ni Juday at nabuntis? Kase mahihirapan na raw yan magbuntis dahil sa kaka abort several times before. Dinaan sa siyensya?

  2. Kuryente ito. Wala ng credibility. Si krista sinavihang buntis. Nag pa pregnancy test at na ultrasound pa. Negative naman.

  3. ewan ko ba dito sa ABS-CBNkung bakit hindi pa nila pakawalan si juday. ayan sa eat bulaga daw iaannounce ang pagbubuntis nya. atat na atat na itong si juday kumawala ayaw pa nilang pakawalan. magpustahan pa tayo kung buntis man yan pagkapanganak nyan lalamlam din ang career nyan parang si claudine. kaya matutuloyna paglipat nyan sa gma. ok lang juday di ka kawalan sa abs. tutal naman kahit pa sabihin na “reyna” ka ng teleserye eh hindi ka naman masaya dyan diba? hmp! palaos ka na din day!

    congrats kung totoo mang juntis ka… mamigay ka naman ng anak mo kung sakali mang isang dosena. gusto ko yung dalmatian

  4. ewan ko ba dito sa ABS-CBNkung bakit hindi pa nila pakawalan si juday. ayan sa eat bulaga daw iaannounce ang pagbubuntis nya. atat na atat na itong si juday kumawala ayaw pa nilang pakawalan. magpustahan pa tayo kung buntis man yan pagkapanganak nyan lalamlam din ang career nyan parang si claudine. kaya matutuloyna paglipat nyan sa gma. ok lang juday di ka kawalan sa abs. tutal naman kahit pa sabihin na “reyna” ka ng teleserye eh hindi ka naman masaya dyan diba? hmp! palaos ka na din day!

    congrats kungtotoo mang juntis ka… mamigay ka naman ng anak mo kung sakali mang isang dosena. gusto ko yung dalmatian

Leave a Reply

Your email address will not be published.