Judy Ann Santos, ayaw nang may ka-loveteam sa bagong serye

ON TIME duma-ting si Judy Ann Santos  sa presscon ng Lactum 3+ at 6+ na ginanap sa SM Megamall last Saturday. Napaka-pleasant ng dating ng young superstar nang humarap ito sa media. Kitang-kita sa kanyang aura ang pagiging panatag na ina. Hindi kaila kay Juday ang naging reaction ni Sharon Cuneta sa twitter nang intrigahin ang anak nitong si KC Concepcion. “Nanay ako, kung mangyayari sa akin ‘yan baka maging halimaw ako, baka higit pa,” reaction ng magaling na actress.

Na-experience din pala ni Judy Ann na minsan sa twitter (kahit wala siyang twitter account) may nag-comment na hindi maganda tungkol sa anak nila ni Ryan Agoncillo na si Lucho. “Sabi nga ng asawa ko sa akin, ‘Huwag ka nang magbasa ng comments’. Maiiwasan mo ba? Gusto  mong pumatol, maiisip mo na lang. Itong mga ‘to, may masabi lang. Lahat naman yata ng bata, ‘pag bagong silang, mukhang magnifying glass, ‘di ba? ‘Pag bagong panganak ka, napaka-sensitive mo. Lahat ng bagay na puwedeng makasakit sa ‘yo, lalo na ‘pag anak mo ang tinira, masasaktan kang talaga. Pero at the same time, naisip ko, it’s not worth my time. It’s not worth my effort. Unang-una, hindi ko sila kilala and maybe, it made them feel good to say those words about my kids. At saka, masaya ang buhay ko. Bakit ako magpapaapekto sa kanila na hindi masaya ang buhay?” aniya.

Ikinuwento rin ni Juday na sa Singapore siya nag-celebrate ng kanyang 34th birthday with Ryan kasama sina Yohan at Lucho. Birthday gift ito ng asawa plus signature shoes na ayaw nang banggitin ng actress ang name brand. Sa nasabing trip, join ang mommy ni Ryan pati si Mommy Carol kaya lalong naging memorable ang bakasyon ng pamilya. Nagkataon pang Mother’s Day kaya 6 days silang namalagi sa Lion City.

Masayang ibinalita ni Juday na magsisimula na siya ng teleserye sa ABS-CBN with Sam Milby, Jessy Mendiola and KC Concepcion. Malamang daw June or September ang airing nito sa Kapamilya Network. “Gusto ko naman, hindi ko lang hinahanap ‘yung puyatan. Hindi ko lang hinahanap ‘yung schedule na araw-araw na halos hindi ka na makauwi at hindi ko na makita ‘yung mga anak mo,” sambit nito.

Sinabi ni Judy Ann na nangako ang ABS na it’s not gonna be as hectic as before na dalaga pa siya. Na-experience na kasi niya ‘yung ngaragan sa taping kaya’t nagpaabiso na siya sa management. At kung pupuwede nga raw sana ay aprub na ang istorya sa management at naka-can na ang show para hindi sila magre-shoot. “Sabi ko sa kanila, ‘wala naman akong arte, hindi ko na talaga kaya ‘yung puyatan’,” paliwanag ng actress.

Walang takot ding sinabi ni Juday sa management  na ayaw na niyang may ka-loveteam sa teleseryeng kanyang gagawin sa Kapamilya Network pero excited na siyang mag-taping. “Actually, medyo kabado ako kasi may pressure na kasama, pero maganda ‘yung project. Hindi siya ‘yung typical na teleserye na may nawalang kapatid, nawalang nanay, may balat ‘yung anak, walang ganoon. Women empowerment siya, kaya maganda. Actually, nakaka-encourage siya sa mga nanay,” dugtong pa niya.

Hindi man aminin ni Judy Ann na siya ang napipisil na kapalit ni Ai-Ai delas Alas para sa movie na pagsasamahan uli nina Bong Revilla at Vic Sotto na pang-Metro Manila Film Festival, halata sa actress na nati-thrill siyang makatrabaho ang dalawang higante ng movie industry. Mismong ang comedy queen ang nagsabi kay Juday na kino-consider siya bilang kapalit nito. Wala pa raw down payment kaya hindi pa malinaw ang usapan. “Walang problema sa akin. Nakakaloka naman ako kung sasabihin kong pag-iisipan ko muna, ‘di ba ?”

Oo nga naman.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

10 thoughts on “Judy Ann Santos, ayaw nang may ka-loveteam sa bagong serye

  1. kapal ng mga face nyo!…sino lang ba kyo kung makapang lait! 1 lang kyong walng pera kumpara sa knya no…kayo tatanda ng walang pera, pero si juday tatanda ng humihiga sa pera…hndi tulad nyo nabubuhay lang sa panghuhusga at panglalait sa kapwa…mga bitter!!!

  2. hoy mga abnormal…..tatawanan lang kayo ni judai dahil wala kayong teleserye noh…….mga hamak lang kayo na walang hiya……..o may teleserye ba kayo at nag income ng milionis tulad ni juday?……wala nga kayong hundred thousand e…kawawa kayo….

  3. tamang-tama, in demand ngayon ang mother roles sa mga teleserye. Sooner or later, aalukin na siyang maging lola sa serye…:-D

  4. HINDI BAGAY KAY JUDAY NA MAGKAROON NG LEADING MAN KASI HINDI NA BAGAY SA EDAD NIYA, AT MAY ASAWA NA SIYA.

  5. Kapal ng mukha nitong Judas na to! Sana bitawan na ng 2 yan sobrang mapagmataas parang si Claudine at Sharon umasta…pag binitawan ng dos yan parang si Claudine na yan na mang-aaway sa airport dahil laos na!

  6. D NA BAGAY C JUDAY SA MGA PA-TWEETUMS NA ROLE DAHIL WRANGLER NA SIYA NOH!..I RESPECT HER AS AN ACTRESS PERO KUNG MAGIGING LEADING LADY PA SIYA EH D NA ATA KIKILIGIN ANG MGA TAO..

  7. naku naman, huwag na nyang pangarapin na maging leading lady pa sya dahil kahilera na niya sina Dexter Doria, etc. haha…. Mas bagay ngayon kay Juday ay mga reality show tulad ng kusina, atpb….. hehehehe

  8. dapat lang noh… aba hindi na nga sya pang-leading lady noh, dahil masyonda na.. ang arte nya !!! Dapat nga lang talaga mother or tita roles ang ibigay sa kanya….