Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, wala nang hihilingin pa sa pagdating ng unang anak!

ANG SAYA-SAYA NG atmosphere sa Eat… Bulaga! nu’ng nakaraang Biyernes dahil maganda ang balitang in-announce ni Ryan Agoncillo na nagdadalang-tao na nga si Judy Ann Santos ng mahigit dalawang buwan.

Sa totoo lang, alam naman ng mga taga-Bulaga noon pa pero nakiusap si Ryan na huwag munang ikuwento dahil ang gusto ni Ryan, sila mismo ni Judai ang mag-announce kapag kinumpirma na mismo ng kanilang OB-Gyne kasama pa ang ultrasound.

So, na-phone patch interview nga si Judai nu’ng Biyernes at sinabi nitong “Ayan, na-bullseye ni Ryan. Tao pala ako, akala ko robot ako, he-he-he!” Sey ni Judai na sobrang excited din sa kanyang pagdadalang-tao.

Napanood n’yo naman siguro sa Startalk nu’ng Sabado ang exclusive interview ni Joey de Leon sa kung paano in-announce ni Ryan sa kanila ang magandang balitang ‘yun, na idinaan pa niya sa paglaro ng Pinoy Henyo na si Allan K ang nakahula.

Ngayon, pinag-iisipan pa ng mag-asawa kung itutuloy pa ba nila ang bakasyon nila sa Europe dahil depende raw iyan sa payo ng kanilang doktor kung okay ba ito kay Judai o hindi.

Kung si Mommy Carol ang tatanungin, ayaw niya sana dahil baka risky ito sa pagbubuntis ng anak niya. Pero kung makapagpapahinga naman sila nang mabuti sa bakasyong ‘yun, sige ituloy na nila. Kaya lang siyempre, minsan nakaka-stress din ang pagbibiyahe, ‘di ba?

Ang isa pang tuwang-tuwa sa pagbubuntis ni Judai ay ang anak nilang si Yohan. Gusto nga raw nitong ipangalan ding Yohan ang magiging kapatid niya kaya lang hindi naman puwede, depende kung baby boy ito o girl.

Sabi naman nina Judai at Ryan, wala na silang hihilingin pa kung boy o girl dahil sa magandang blessing na ibinigay sa kanila ng Diyos, parang labis-labis na kung hihiling pa sila kung ano ang gusto nilang maging baby.

Kung ang lola naman ang tatanungin, type ni Mommy Carol na baby boy para kumpleto na raw sila dahil nandiyan na si Yohan na girl.

Sey naman ni Ryan, kung baby girl at least may kalaro na si Yohan. Kung boy naman, okay rin para kumpleto na nga.

Sa ngayon ay iniingatan daw nila si Judai at pinagbibigyan kung ano ang gusto nito. Pero hindi naman daw ito maarte sa paglilihi. Kuwento ni Ryan, medyo maselan lang ito sa mga pagkaing may masangsang na amoy.

Dati raw, ang hilig nitong kumain ng mga piniritong isda, ngayon ayaw na niya dahil ‘di niya type ang amoy nito.

Ang napansin lang ni Ryan, kapag kumakain siya, sumasabay si Judai sa kanya sa pagkain, o ‘di kaya, ‘pag inuubos nito ang mga kinakain ng aktres, ilang sandali lang inaantok na siya.

Parang totoo nga raw yata ‘yung pati ang asawang lalaki ay naglilihi rin kung makikisalo sa kinakain ng isang buntis. Ganu’n ang nangyayari ngayon kay Ryan.

Anyway, congratulations kina Ryan at Judai! At siyempre, halos lahat ay masaya para sa kanila dahil matagal na rin naman nilang hinihintay ito.

SAYANG AT HINDI namin nai-ere sa Startalk ang isang kuwento namin tungkol kay Cita Astals na sabi ng mga nakakakita sa kanya sa kanilang lugar sa Maynila, parang naloloka na ito.

Nakapanayam ito ng Startalk at ang dami nitong sinasabi at meron siyang pulitiko sa Maynila na sinisisi kung bakit siya nagkaganu’n.

Pinuntahan nga ng Startalk ang bahay nito malapit sa Pedro Gil, nakasara na ito dahil pinutulan na raw ito ng tubig at ilaw. Pakalat-kalat na lang daw ito ngayon at kung saan-saan na lang siya nakikitulog.

Inalok na nga ito ni Lou Veloso na ipagamot pero tumatanggi naman dahil okay naman daw siya at hindi naman daw siya naloloka.

Ang sabi ng ibang nakasaksi sa kanya roon, sobrang na-depress ito pagkatapos niyang matalo sa eleksiyon at nalulong sa droga pero itinatanggi naman ito ni Cita.

Abangan n’yo na lang sa susunod na episode ng Startalk namin dahil may follow-up story pa kami riyan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

7 thoughts on “Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, wala nang hihilingin pa sa pagdating ng unang anak!

  1. keber nman kung buntis cya! sana lang maging kamukha ni ryan, kc kawawa naman kung kay juday kukuha ng hitsura, ngayon lang namn medyo gumnada iyan eh! I’m sure babalik ang pagiging “tabachingching” nyan once na nagka-anak n cya.

  2. nag aaway kayo eh lahat ng mga artista mga marumi..lipat lipat ng mga masipingan laro lang nila ang makipagtalik ma babae ma lalake.kaya wag kayong mag alburuto bakit inggit kayo sa kanila.baka huh.

  3. Buti nagkaanak pa yang si Judai.

    Sabi kasi ng ilang friends ko from St.Lukes, mahihirapan na yan dahil twice nang nagpa abort. Kakaiba daw ginawa sa kaniya sa St.Lukes. Anyway, buti naman at nabiyayaan pa rin kahit twice nagpahugot ng anghel. Ingatan mo na yan judai.Blessing ang mga babies.

    • maglabas ka ng ebidensya wag yung sabi sabi, baka ka mademanda ng st. luke’s at ni juday! at wala sa kilatis ni juday ang mag pa abort dahil gustong gusto nga nyang magka anak kahit wala pa syang noong asawa!

    • Talaga? Dalawang beses nagpahugot si Juday? Eh si Claudine Barretto…mas maraming beses pa. Kaya nga nag away sila ni Rico Yan noon.Galit na galit si Rico kasi nilaglag niya ang bata. Puera pa ke Mark . Na ospital pa iyan dahil ke Eric Fructuso dahil sobrang laki daw kaya kelangan pang tahiin siya.

  4. Pathetic ang Eat Bulaga. Pati pagbubuntis ni Juday gagamitin para makabawi sa ratings.

    Palibhasa sa Mega Manila madalas dikit ang ratings nila ng Wowowee, at kung minsan talo pa sila.

    Pero sa National kumakain ng alikabok ang rating ng Eat Bulaga.

    • ingat ka sa pagsasalita mo dahil baka magkakaso ka at wag mong idamay ang st lukes kung wala kang matibay na ebidensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.