Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, tuloy na ang bakasyon sa Amerika

SA SUSUNOD NA linggo ay tutulak na patungong Amerika ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos para magbakasyon doon.

Kung si Mommy Carol Santos ang tatanungin ayaw na sana niyang magbiyahe ang mag-asawa dahil naglilihi pa ngayon si Juday. Pero pumayag naman ang OB-gyne nito kaya okay na rin para bagong paligid. Silang dalawa lang ang magkasama at magkakaroon pa ng sapat na panahon para makapagpahinga.

Kaya minamadali nilang tapusin ang pelikula ni Juday kasama si Sarah Geronimo, dahil lumalaki na ang tiyan nito at kailangan na nga nitong umalis pa-Amerika.

Ang pagkakaalam ko, meron pang siyang isang pelikula sa Unitel kasama si Ryan na ititigil muna, dahil malapit nang mahalata ang kanyang tiyan at medyo tumataba na sa hilig magkakain.

Sumabay pa si Gladys Reyes sa pagbubuntis niya kaya panay ang comparing notes nila, dahil pareho pa sila ng OB-gyne.

Si Gladys daw ang madalas na nagbibigay ng payo kay Juday dahil pangatlo na niya ito. Kaya excited ang magkaibigan sa kanilang kalagayan ngayon.

SA LUNES PALA ay magsisimula na ang bagong programa ng GMA-7 na Take Me Out na iho-host ni Jay-R.

Bagong reality dating game ito na kinuhang franchise ng GMA-7 na ipapalit sa timeslot ng Family Feud.

Sa presscon ng programang sa GMA-7, natanong uli kay Jay-R ang tungkol sa kanila ni Krissa Mae Arrieta na nasa Amerika pa ngayon para sa series of concerts ni Julio Iglesias.

Ilang araw lang daw sila roon sa Los Angeles, California at pagkatapos nu’n, lilipad na naman sila sa ibang bansa dahil world tour iyon at kasama roon si Krissa Mae.

Sobrang miss na nga ito ni Jay-R, pero halos araw-araw naman daw silang nag-uusap at nag-i-Skype ba ‘yun? Pero gusto na rin ni Jay-R na makasama ito.

Inintriga tuloy si Jay-R na baka magkadebelopan na raw roon sina Krissa Mae at Julio Iglesias. Hindi naman pinatulan ito ni Jay-R dahil malaki naman daw ang tiwala niya sa girlfriend niya.

Mag-iisang taon na sila at okay na okay raw ang kanilang relasyon kaya in-assure daw sa kanya ni Krissa Mae na wala itong dapat ipagselos.

“He (Julio) treats her like a daughter. Very protective pa nga ito sa kanya, and it’s very nice kasi they’re treating her well,” sey ni Jay-R.

Walang malisya naman daw ang magandang pakikitungo ni Julio kay Krissa Mae, kaya wala raw siyang dapat ipag-alala.

Excited si Jay-R sa bagong programa niya sa GMA-7 dahil siya lang ang nag-iisang host dito at bagay sa kanya. Kaya abangan n’yo ‘yan na magsisimula sa Lunes bago mag-First Time.

BONGGA ANG MGA aabangan n’yo sa Startalk dahil bagong bihis ito, kung saan magsasanib ang dalawang showbiz-oriented talk show, itong Startalk at Showbiz Central.

May interview kami kay Vic Sotto na may bagong ibubunyag sa relasyong Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa. Abangan n’yo ‘yan!

Dahil sa pambabastos ni Kean Cipriano ng Calla Lily sa ex-girlfriend nitong si Arci Muñoz, may pasabog si Arci laban sa kanya at sasabihin na raw niya ito lahat.

Tungkol kaya ito sa napabalitang may utang daw si Kean sa kanya?

Abangan n’yo ‘yan dahil marami pa kaming mga bagong kuwentong susubaybayan n’yo na naman.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleAlam ba ni Binoe ‘yan? Ejay Falcon, pinopormahan si Queenie Padilla?
Next articleSarah Geronimo at Rayver Cruz: Hindi raw sila nag-break!

No posts to display