Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo: ‘di na uso ang New Year’s resolution!

HAPPY NEW YEAR sa ating lahat! Tila hindi na ‘ata uso sa mga artista ang mga New Year’s resolution, dahil sa dinami-rami ng mga artistang na-interview namin nitong mga nagdaang mga presscon at events, e, parang hindi na rin sila ganoong ka-excited na magsabi ng kanilang mga gustong resolution for 2010.

Tulad nang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na nagsabing ayaw na raw nilang magbigay pa ng New Year’s resolution. Pero si Karylle, matapos ang kanyang soap opera, bibigyang-tuon naman niya ang kanyang singing career ngayong taon. Si Ruffa Gutierrez naman, gustong magkaroon ng time para maging fit and healthy ngayong 2010.

Tama rin ang turan ng iba na hindi naman kailangan na maghintay pa ng New Year para lang magtakda ng pagbabago o gustong baguhin sa buhay ng isang tao. Kahit ano pang araw o taon ‘yan, kung may gusto kang baguhin, palitan at tanggalin sa iyong buhay, you can do it anytime! Tama! Pero siyempre, clean slate for 2010!

NGAYONG 2010, LALO na sa unang quarter ng taon, maraming bagong shows na aabangan sa ABS-CBN. Nag-iingay na ang mga bagong teleseryeng ipapalabas at malapit na ring magtapos ang ilang mga shows. Ang Katorse, nina Erich Gonzales, EJ Falcon at Enchong Dee, tatlong araw na lang mula ngayon, magtatapos na. Palapit na rin nang palapit ang huling mga araw ng Dahil May Isang Ikaw.

Ayon sa nakausap naming staff ng May Bukas Pa, hanggang first week of February na lang ang soap na pinagbibidahan ni Santino at ang PBB Double Up naman, ilan na lang din silang natitira sa loob ng bahay ni Kuya. So, anu-ano ba ang mga bagong ihahain ng Dos?

Maingay na ang Mexinovela na Rubi na pagbibidahan nila Angelica Panganiban, Diether Ocampo, Shaina Magdayao at marami pang iba. Sunud-sunod na rin ang plugs ng Tanging Yaman kung saan magkakasama ulit sina Erich Gonzales, EJ Falcon at Enchong Dee. Ang tanong ngayon, maging masalimuot kaya ang working environment nila sa set dahil sa naungkat na tension ngayon sa pagitan nila Erich at EJ? Publicity stunt ba ito o totohanang war sila? Pero kitang-kita sa ASAP noong Linggo ang tension sa kanilang dalawa, huh!

Nandiyan din ang Kung Tayo’y Magkakalayo kung saan star-studded ang casting – Kris Aquino, Kim Chiu, Gerald Anderson, Albert Martinez, Gina Pareño at marami pang iba! OA din siguro ang budget ng show na ito!

Sa wakas, malapit na ring umere ang Habang May Buhay na pagbibidahan ni Judy Ann Santos – ang mukha ng ika-60 taon ng Pinoy Soap Opera. Ito na marahil ang soap na ang tagal ginawa. Inabot sila ng halos dalawang taon bago maitawid at matapos. Nagpalit na ng mga cast, director, writers at marami pang iba. Nakailang revisions din, pero ngayon ‘eto na! Ihahain na ang pinakabagong teleserye ni Judy Ann Santos!

Simula pa lang ‘yan, kasi may mga nakausap akong marami pang exciting na shows ang naka-line up ngayon sa Dos tulad ng Kokey @ Ako kung saan magkasama sina Angel Locsin at Vhong Navarro.

loading...

One thought on “Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo: ‘di na uso ang New Year’s resolution!

  1. Ba’t wala si Xian Lim sa Tanging Yaman? Nakakainis ‘to, ha?

    BTW, Benz ang ginagamit na car ng presidente ng Pilipinas. Hindi bimmer. Walang pagka-authentic ang show, ha? lolz

Leave a Reply

Your email address will not be published.