Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, ‘di na magkasama sa pagtulog?!

SEVEN YEAR itch ang tawag nila. Ito ang tawag kapag ang lalaki (kadalasan) ay na-ngangaliwa sa unang pitong taon nila bilang mag-asawa.

Kaya nga nagulat kami sa kumakalat na blind item na ang dalawang sikat na celebrities ay hindi na diumano magkatabing matulog.

Sa harap ng publiko, sweet sila sa isa’t isa. Pero pagdating sa bahay nila, they are not on speaking terms. Maging sa pagtulog sa gabi, hindi na sila magkatabi.

Daming mga clues kaya bigay na bigay ang nagsimula sa tsismis tungkol sa mag-asawa. Kaya nang matukoy namin, tumango lang ang source namin na inaayudahan ang pangalan ng mag-asawa.

Ang tsismis, hindi na diumano magkasama sa pagtulog sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.,

Ang dagdag sa bali-balita, si Ryan diumano ay nahuhumaling sa isa sa mga dancers ng pangtanghaling show ng GMA-7, ang Eat Bulaga.

Maganda ang babae. Bata pa ang EB Babes na sinasabing kinahuhumalingan diumano ni Ryan.

Matagal na raw ang tsimis na ito, pero wala man lang nangtangka na isa man sa mga co-host ni Ryan ay pagsabihan ang mister ni Juday.

The fact na kaibigan ni Juday sina Vic Sotto at Joey de Leon, iniiwasan ng dalawa na pagsabihan si Ryan na tigilan na ang pangangaliwa sa misis niya, dahil its a personal problem ng mag-asawa.

Totoo kaya ang tsika? Hope not dahil ke aga-aga, malalagay sa alanganin ang supposed to be ay happy family nina Juday at Ryan.

Sana maging malinaw ito. Ano kaya masasabi ni Tito Alfie Lorenzo sa balitang ito?

 

MAGANDA ANG relasyon nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Hindi man naging mag-boyfriend, maganda ang samahan nila on screen pati sa relasyon nila bilang magka-loveteam.

Si Bea, in love kay Zanjoe Marudo while JLC naman ay kung kani-kanino na napuntang kandungan pero both are okay at may chemistry on screen. Marunong makisakay sa publicity slant ng kanilang mga pelikula kahit i-link man sila sa isa’t isa.

Secured si Bea sa sarili. Si Lloydie naman, the usual “guwaping” always cool. Kahit ano, oks lang.

Sampung taon na ang loveteam ng dalawa. Pa-rang kailan lang. Ngayon na nag-level up na sila pareho with a more matured role in The Mistress ng Star Cinema (lalo na sa role ni Bea who plays a mistress a.k.a. kabit), it’s nice to see both na sumasabay na sila pareho sa panahon.

 

Sa trailer na napapanood namin sa mga sinehan, may anghang ang linya ni Hilda Ko-ronel kay Bea na nagre-react ang mga moviegoers meaning, gusto ito ng publiko.

Nagtataka lang kami kung anong chemistry meron sina Bea at John Lloyd na kahit kung kani-kanino na sila nai-link (on screen or off-screen), kapag nagsama muli sila sa isang project ay click sila sa mga tagahanga nila at swak ang mga proyekto nila.
Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

8 thoughts on “Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, ‘di na magkasama sa pagtulog?!

  1. Kong ako si juday hihiwalayan ko talaga sya,ang malas talaga ang asawa mo juday ang daming intriga sakanya at dinadamay ka pa nya mabuti Hindi ka mag-sasawa sakanya at pag-isipan ng hihiwalayan mo sya…

  2. Kong ako si juday hihiwalayan ko talaga sya,ang malas talaga ang asawa mo juday ang daming intriga sakanya at dinadamay ka pa nya mabuti Hindi ka mag-asawa sakanya at pag-isipan ng hihiwalayan mo sya…

  3. oops cherie cool kalang wala pa namang napapatunayan, feeling korin chismis lng yan gya ng BB omy halitosis daw c ryan, ang tagal na parehong bini BI yan, yng 2 chismis nayan palagi binabato k ryan, ung pambababae MALABO yan, kita nman sa knila kung ganu cla KASAYA as a family!!  palagay ko di magagawa ni ryan na mambabae pa eang GANDA2 at SEXY2 panaman ni juday ngaun…..cguro posible payan pg matagal nasila  at tumaba na uli c juday na wala ng apeal if ever…..pero sa ngaun malabo yan…

  4. Tsismis lang yan. kilan lang nagpost si Sharon ng picture sa twitter niya, nandoon sa kanila sina ryan at juday kasama mga bata, doon sa laguna. nag-aalmusal silang lahat kasama sina kiko at sharon.

  5. sana hinde totoong may nahuhumalingan na dancer si ryan agoncillo sayang naman ang pitong taon na pagsasama nila ni juday kung itatapon lang ito basta -basta ni ryan di ba sabi ni ryan mas prettiest si juday kesa sa mga babae sa eat bulaga pero ano ito dapat makunsensiya yang ryan agoncillo ang liit -liit pa nang anak nila ni juday tapos magloloko pa siya mahiya naman siya sa pamilya ni juday at pati sa mga kapatid niya madali siyang matukso nang babae nadadala siya sa pakendeng -kendeng nang babae at sa hita ,at sa papaya wala siyang concern kay juday kung mahal niya talaga si juday di niya gagawin ang pambabae at ito namang dabarkads di nila pinigilan na pagsabihan si ryan alam na pala nila dati pa kinonsente nila dapat sinabi na nila kay juday kaagad -agad para mag-usap silang dalawa para maiayos ang mga bagay -bagay para hinde humantong sa hiwalayan sila si ryan din ang nagwasak nang pagsasama nila ni juday akala ko ba mahalaga sa kanila ang ibig sabihin nang kasal at akala ko ba faithful siya sa kanyang asawa ano ba ang ginawa sa iyo ni juday at bakit ka ba ganyan ryan agoncillo ano ang kailangan mo sex nandyan naman si juday ang asawa mo sino kayang EB BABES ang third party na sinasabing babae nang ryan kawawa naman si juday kinuha lang ni ryan ang pagka-babae ni juday inanakan lang siya ano bang problema ninyong dalawa itong ryan hayok sa libog i’m hoping na maayos ang pagsasama nina juday at ryan agoncillo sayang naman ang marrriage nilang dalawaituwid ni ryan ang mali niyang nagawa kay juday at sa mga anak nila humingi ka nang tawad sa kanila.

    • Tama ka jan.?..ang pag-kababae lang ni juday ang kinuha ni Ryan Kay Juday at inakan pa nya..I don’t believe that he really loves judai kahit konti..ang sarili Lang nya ang mahal..Nya nohhh..!! ..he just use juday only for his popularity..

Leave a Reply

Your email address will not be published.