Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, 4 na araw nagdedeadmahan ‘pag may tampuhan!

VERY HONEST ANG mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo nang aminin ng mga ito sa presscon ng kanilang pelikulang My Househusband, entry ng Octo Arts Films sa Metro Manila Film Festival, na nagkakaroon din sila ng mga tampuhan at conflict sa kanilang buhay may-asawa.

Ayon sa dalawa, normal lang naman daw sa mag-asawa ang duma-daan sa maliliit na problema. Kumbaga, parte raw ito ng adjustment sa pagitan ng mag-asawa. Tsika pa ng mga ito, may pagkakataon pa nga raw na hindi sila nagpapansinan ng apat na araw dahil sa tampuhan.

Pero after naman daw ng 4 na araw, nagbabati rin naman daw sila, at ang mga conflict na dumarating sa kanila ang siyang nagpapatibay ng kanilang relasyon, dahil mas natatanggap nila ang ugali ng bawat isa at mas natutunan nilang harapin ang mga dumarating na problema.

 

HINDI NAIWASANG MALUHA ng 2011 PMPC 25th Star Awards For TV Best New Male TV Personality na si Teejay Marquez, ka-tie ang co-tweens nitong si Derrik Monasterio para sa kanilang show na Tween Hearts, dahil nang tawagan niya ang kanyang lola para sabihing

nanalo siya ay naiyak daw ito habang kausap siya.

“Naiyak ako, kasi narinig kong umiiyak ‘yung lola ko sa sobrang saya, kasi nanalo ako. Sa kanya ko kasi inaalay ‘yung award ko at lahat ng magagandang nangyayari sa career ko.

“Siya kasi ang nag alaga sa akin simula bata pa lang ako hanggang ngayon, ‘yung lola ko kasi ‘yung buhay ko. Kasi sa kanya ko naramdaman ang pagmamahal. Kasi siya ang naging gabay at kasama ko sa paglaki ko.

“Kapag may maganda kasing nangyayari sa career ko, ‘yung lola ko ang unang sumasaya, lagi niyang sinasabi sa akin na mahalin ko ‘yung trabaho ko at mga taong tumutulong at nagmamahal sa akin, kasi pagtanaw daw ‘yun ng utang na loob.

“Matanda na ‘yung lola ko kaya gusto ko siyang maging masaya, gusto ko na sa bawat success na makukuha ko ay kasama ko siya. Siya na kasi ang naging nanay at tatay ko at lola pa, kaya naman mahal na mahal na mahal ko siya.” Dagdag pa ni Teejay na ang kanyang award at tagumpay sa pag-aartista at pagko-commercial ay inaalay nito sa kanyang lola na nag-aruga sa kanya simula bata hanggang sa kanyang paglaki.

 

NAG-SELEBRA NG KANYANG 17th birthday ang Drama Prince ng GMA-7 na si Kristoffer Martin at mas pinili nitong ‘wag magkaroon ng bonggang selebrasyon at mas pinili na lang na kumain sa labas kasama ang kanyang buong pamilya.

Kaya naman after ng birthday prod nito sa Party Pilipinas, kung saan regular itong napapanood ay dumiretso ito kasama ng kanyang family sa Olongapo, kung saan ito nakatira para roon magselebra ng kanyang birthday sa isang restaurant.

Ilan sa wish ni Kristoffer ang magkaroon ng good health at maraming trabaho, wish din daw nito na magkaroon ng sariling sasakyan kundi ngayong taon ay sa susunod na birthday nito sa 2012.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.