Judy Ann Santos at Piolo Pascual, posible pa ring magtambal

WALA NAMAN talagang imposible sa mga panahong ito na mu-ling magkatambal sa isang pelikula o teleserye sina Judy Ann Santos at Piolo Pascual, lalo pa’t nariyan ang ABS-CBN at ang Star Cinema na puwedeng pumalantsa ng mga natitirang gusot para magawan ng paraan ang lahat. Nanggaling sa kampo ni Piolo na depende iyon kung papayag si Juday. Sa salita, puwedeng sabihin ni Juday na okey lang naman kung mayroon talagang project para sa kanilang dalawa.

Pero sa gawa at tunay na desisyon, ewan na lang magkakatuluyan iyan. Kasi nga, sa mga panahong ito ay sobrang busy si Juday, dahil ang dami-dami pa niyang mga proyekto na unang natanguan, na hindi pa rin nagkakatuluyan, kaya kung ano muna ‘yung nakaplanong gawin ay siyang inuumpisahan. Nariyan din ang pagbibigay niya ng panahon sa pamilya nila ni Ryan Agoncillo, dahil nagsisilakihan na ang kanilang mga anak na sina Yohan at Baby Lucho.

Pero alam n’yo bang dati ay may isyu, na dahil diumano’y sikat na sikat at parang hari ng Kapamilya Network si Piolo, parang mayroong angas noon, natanggihan na niyang makapareha si Juday? Ipinagwalang-bahala iyon ng kampo ni Juday. Pero sa nga-yon, kaguwapuhan lang talaga ni Piolo ang nagpapasikat sa kanya sa showbiz. Walang duda tungkol d’yan. Pero pansinin n’yo, na magmula nang mabuwag ang loveteam nila ni Juday, wala nang pelikula si Piolo na kumikita sa takilya, samantalang nang mapahiwalay sa kanya si Juday at maikasal kay Ryan ay patok pa rin ang mga proyekto ng young superstar.

 

BLIND ITEM: Mayroon talagang mga artista na dahil sikat sila sa movie industry ay pinagtitiisan din sila ng mga kumpanya ng pelikula maging ng mga taong kanilang nakakasama sa trabaho. Ang katuwiran d’yan, kakaiba kasi ang isang magandang pelikula kung kasama roon ang mga kinikilala at respetadong artista sa lokal na aliwan. Mayroong mga kasiraan na napagtatakpan, pero pagdating ng panahon, nabubulgar din iyon.

Katulad na lamang ng sikat na sikat pa ring aktres hanggang ngayon, na tawagin na-ting si Katrina Hilario. Sumikat si Katrina sa showbiz sa panahong hindi pa uso ang acting workshop, kaya talagang naiiba ang kahusayan niya sa pag-arte. Puro kadramahan ang kanyang mga pelikula, na talagang pinag-uusapan at kumikita sa takilya. Pero nasira ang diskarte niya sa career, dahil sa masamang epekto ng kanyang lovelife. Lagi siyang iniiwan ng mga lalaking kanyang nakakarelasyon.

Nagloka-lokahan si Katrina sa kanyang mga trabaho nu’ng magkasunud-sunod na magkaproblema siya sa kanyang mga lalaki. Madalas, nasa location na siya ng shooting, pero ayaw lumabas ng sasakyan para mag-shooting ng kanyang mga eksena. Minsang may playdate na ang kanyang pelikula, biglang hindi niya nalalaman ay pinatay na pala ang kanyang karakter. Ikinuwento iyon ng kanyang producer sa iba pang mga producers ng pelikula, kaya hindi na nila kinukuha si Katrina, hanggang sa mawalan na siya ng career, at bu-mabalik na lang siya sa showbiz kapag mayroong mga kumpanya na kayang pagtiisan ang kanyang mga sumpong at kabaliwan sa buhay, dahil nga mahusay siyang aktres.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

15 thoughts on “Judy Ann Santos at Piolo Pascual, posible pa ring magtambal

  1. Juday Wowie, Juday n  Rico  Juday n Piolo juday Ryan juday Derek lahat sumikt bec. Juday can make her leading man into a star. Hwag ng kumontra  i accept na lang kc.Ang bi nawaulan ng nningning ay c klaw2 kc.primadona sa dos. O saan siya pnulot ngayon sa kambingan.ni tv5 eh di iintresado. 

  2. Best love team EchoTin.. baka nakakalimuta ninyo naka tatlong taon ang pangako sa iyo at ang rattin ng Pangako 57…. kasunod iyon kay Diettin iyon Sana walang Wakas pinapalabas pa yag sa may taas ng mercury para lang mapanood ang ending….

  3. May masabi lang itong Reporter  na to….Super EPAL toda Max…HWAG NALANG KAYONG MAG COMMENT  DITO KASI EPAL at  ang LAKI DIN NG GaLIT KAY PAPAp….KAYA GUMAWA NG INGAY PARA LANG MAG PAPANSIN..

  4. Bakit kumita kaya lahat ng Movie ni Piolo hah..at chaka pag may Movie na ipapalabas si Piolo sandali lang ang pag propromote,agad ipapalabas na..hindi tulad ng iba dyan,matagal pa yong Movie nag propromote na grabe,at grabe sa dami ng cinehan,NAKAKAHIYA nalang sila kapag hindi kumita yong Movie…diba MELCHOR BAUTISTA..

  5. kumikita ang lahat ng pelikula ni Piolo noh,kahit wala si Juday,at parami pa nang parami ang   Endorsement nya noh ! kaya nga sya lalong yumayaman dahil sa sipag nya…hindi nya nalang iniintindi ang mga issue,kasi sobrang Bait nya at ng Pamilya nya…kaming mga Fans nya ang pumapatol sa issue kasi sobrang panlalait at bastos na kaya ang mga pinagsasabi sa Idol namin.
    Mahal namin si Piolo…kahit sino ang ka Love team nya,Hwag lang si KC!!

  6. Ok  na ok kung Totoo ang shismis,isa sila sa pinaka magaling at magandang panoorin na  love team(Piolo Juday).pero gusto Ko din si Anne Curtis at Angel Locsin,na ka Love team,ni Piolo !

  7. Gusto kc ni Alfonga ng machupa c Piolo eh ayaw sa amoy lupa ni Piolo kya kung anu-anong panlalait at gawa-gawang kwento n puro pninira lng k Piolo…Tanong nyo pa dun s mga nirape ni Alfie n mga kabataang lalake. Kpag ayaw s knya lalait-laitin,,,db Aljur, JM de Guzman, Tom rodriguez, EJ Falcon na sobrang papuri ang ginagawa ni Alfonga pero nung d pumayag n mgpachupa s knya ayun ohhh super hate n nya ang mga gwuapings!!!!

  8. sbi konga sa article din k piolo  sana gumawa o mkgawa na sila ng muvie o tlesrye kc mis na mis na nmen loveteam nila, nung mapost nga pcture nila sa instagram andami agad ngcoment nasana mgkasama na cla kyalang ng emote na agad c alfongga sa colum nya na never agen daw uli  mgsasama ang 2 dhil diza papayag dhil nga sa isue noon na snbi dawni piolo na OH NO NOT AGEN ng snbi sknyng mgtatambal uli cla ni juday pero dat was 2004 pa e nkagawa na cla uli ng muvie at tlserye ng 2006 kya matagal naun chaka di nman naconfirmed kung 22ong snbi ngani piolo un, kun true un konsenza nlng nya un pero past is past na ikanga ni juday!! sana wagna mgkontrabida c alfongga! if i know gusto2 din  nya mgksma uli ang 2 kc kinikilig dinza sa 2!! dont deny alfongga, remember ginawan mopa cla ng honeymun suite sa bhay mo!! aminin…

Leave a Reply

Your email address will not be published.