Judy Ann Santos, 4 na beses nagtangkang lumipat sa Siyete! – Eddie Littlefield

INAMIN NI JUDY Ann Santos na apat na beses siyang nagtangkang limipat sa GMA-7 dahil sa aberyang nangyari sa kanyang teleseryeng Habang May Buhay. Three years in the making bago ito tuluyang mapapanood sa telebisyon sa tulong ni Direk Wenn Deramas.

“That time, marami akong katanungang naglalaro sa aking isipan na gusto kong magkaroon ng kasagutan. Naging totoo sila sa akin, Ipinaliwanag nila at naunawaan ko naman. Kung minsan kasi, hindi maiiwasang magkaroon ng misunderstanding, miscommunication, kaya kailangang alamin mo kung ano ang nangyayari,” diretsong sagot ni Judai.

Usap-usapan ngayon ang second honeymoon nina JudaI at Ryan Agoncillo abroad, how true? “Paano ninyo nalaman ‘yan? Ha!Ha!Ha! Wala pang definite date, pina-plano pa lang kasi, marami siyang trabaho. Siyempre, sayang naman kung hindi niya tatapusin ‘yung mga trabaho niya ngayon. Tatapusin muna niyang lahat ‘yung commitments. Ako rin, tatapusin ko muna ‘yung Judai-Sarah movie bago ako umalis. Magsisimula kami bago kami umalis, maho-hold muna siya ng isang buwan at kalahati. At saka birthday ko, sama-sama na ‘yun. April to May ang bakasyon namin,” say niya.

I’m sure, sa abroad na ninyo bubuuin ang first baby ninyo ni Ryan? “Sana mabuo, ‘yun naman ang dahilan ng lahat ng ito. Hindi man, okey pa rin kasi, hindi pa siguro tamang panahon. Gusto ko ring makapagpahinga si Ryan. Kasi nga, sa dami ng trabahong ginawa niya, naaawa na rin ako sa kanya. So, gusto ko rin namang i-enjoy niya ‘yung pagiging asawa, pagiging tatay niya,” ani Judai.

Plano pala nina Judai at Ryan sa Caribbean sila mag-tour kung kakayanin daw ng kanilang budget. At the same time, second honeymoon na rin ito ng dalawa. “Parang ganu’n. Kasi nu’ng after the wedding namin, ‘yung honeymoon namin kasama si Yohan. Nakita niya ‘yung Boracay, enjoy siya, nakita niya ‘yung beach. Basically, ito pa lang ‘yung honeymoon, nagtrabaho muna kami para ipambayad nu’ng kasal,” paglalahad ni Judai.

Bakas pa rin sa mukha ni Judy Ann ang pagka-excited sa honeymoon nila ni Ryan. “Oo naman, ngayon lang uli kami makaaalis ng Pilipinas. Ngayon pa lang uli kami makapagbabakasyon dahil ‘yung two months preparation, ginawa namin for the wedding, hindi naman kami umalis. Basically, nagtatrabaho pa rin kami.”

Every month, tuloy pa rin kaya ang pagpapa-check nina Judai at Ryan sa doctor para mabilis ang kanyang pagbubuntis?  “Ako pa lang muna, nasa work-out stage ako ngayon. Kasi, ako pa lang ang kailangang magpa-work-out. Ayaw ko munang i-subject si Ryan sa mga check-up kasi ibang usapan na ‘yun. So ngayon, kung puwedeng ako muna, ako muna,” paliwanag ng Teleserye Queen.

“‘Yung work-out, you take medication like folic acid in preparation sa buong pangangatawanan mo pati na rin sa utak ng bata. ‘Yun ang explanation sa akin ng OB-Gyne bilang first time naman akong magbubuntis, ‘di ba? Hindi ko naman alam ‘yan so, kung ano lang ‘yung pinapainom sa akin, ‘yun lang ang tinitira ko.

“Isa ‘yun para mapabilis and at the same time para maging fertile ka. Kapag nagte-take ka ng folic acid sabi nga nila, before kang mabuntis, six months to a year mo tini-take ‘yung folid acid para talagang prepared ‘yung sistema mo. Kapag may bata nang tumubo sa tiyan mo ‘yung brain niya, lahat ng kaloob-looban ng bata, healthy siya,” dugtong pa niya.

Almost one year na palang tini-take ni Judai ang folic acid, right after their wedding. Stress nga raw ang dahilan kaya hanggang ngayon hindi pa sila nagkaka-baby ni Ryan. “Kaya nga kami magbabaksyon, wala kasi kaming sapat na pahinga, walang sapat na vitamins so, kailangang complete rest as in rest talaga!”

Kung sakali this year magka-baby na nga sila ni Ryan, kambal agad ang gusto ni Judai. “Masaya kasi kung marami, ‘di ba? Aligaga ka, hindi mo alam kung sino ang uunahin, gusto kong ma-experience. Kapag kambal, wala pa kaming naiisip, kung sakali, gusto sana naming i-pattern sa pangalan ni Yohan,” aniya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

3 thoughts on “Judy Ann Santos, 4 na beses nagtangkang lumipat sa Siyete! – Eddie Littlefield

  1. sa mga talents ng dos, ok lang na lumipat kayo sa tv5 basta maganda ang offer.
    huwag lang sa gma7 at gaya nga ng sinabi ni eagle riggs:

    “Ang Kapuso Network pala ay walang puso,” ani Eagle. “In a way, nakapagsisisi dahil wala palang sukli yung loyalty mo, e. Hindi pala importante ‘yon. So sana nga gumawa na lang ako ng kalokohan, ganoon din lang pala ang mangyayari, para may napala pa ako. Nagnakaw na lang sana ako sa kumpanya.

    “Hindi nila [GMA-7] alam ang salitang puso,” seryosong sabi niya. “It’s not loyalty, e, yung commitment mo sa isang tao, bilang tao. Hindi yung parang ang trato sa talent ay parang isang bagay lang na basta-basta itinatapon.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.