Judy Ann Santos, ‘di titigil sa pag-aartista kahit buntis na!

TULOY PA RIN daw ang pag-aartista ni Judy Ann Santos kahit papasok na sa ikatlong buwan ang pagbubuntis nito. Marami ang nagsasabing itinago pa ang kalagayan ni Judai ng ilang linggo dahil baka may masagasaan pang napirmahang kontrata ng endorsements na medyo off ‘pag siya’y magbuntis. Pero, mukhang maayos na nga ang lahat kaya openly ay ipinahayag na nila ng mister niyang si Ryan Agoncillo ang interesting stage na kinasasadlakan ng aktres.

Natutuwa si Ryan dahil masasabing handang-handa sila ni Judai sa pagdating ng bago nilang baby. Ang nauna nila, ang adopted na si Yohan, ay para bang naghanda rin sa kanila para sa pagkakaroon ng kapatid. This time, alam na alam na nila, more or less, ang gagawin.

Pero, iba pa rin ang feeling. Ang bagong baby ay iluluwal ni Judai at bawat araw nga na nasa sinapupunan niya ito, heaven sa kanya na talagang nire-record niya ang detalye. Nagsisimulang magsulat at magkalap na ng mga litrato si Judai sa kanyang pagbubuntis.

Sabi naman ni Ryan, hindi na pupuwedeng magbabad sa init ng ilaw si Judai. May oras na ang pagtatrabaho niya at kailangang maaga na siyang natutulog, mga bagay na dapat lang naman sa isang buntis. Ayaw nang mag-take pa ng risk nina Judai at Ryan kaya kung kinakailangang huminto na talaga sa mga aktibidades niya si Judai, susundin nila ang payo ng OB-Gyne, pero mukhang maayos, so far, ang pagbubuntis ni Judai.

Obviously, si Ryan ang magiging sobrang visible sa ngayon, lalo sa TV, as he hosts Talentadong Pinoy na lalong pinalaki ng TV5, sa pamamahala ni Manny Pangilinan. Si Judai naman ay tinatapos na ang unang tambalang pelikula nila ni Sarah Geronimo para sa Star Cinema, sa direksiyon ni Wenn Deramas.

HINDI MAPURUHAN NI Ogie Alcasid si Regine Velasquez. Kasi nga, halatang may kontrol silang ginagawa, na sila lang ang nakaaalam. Ang akala ng marami, buntis na rin si Regine, pero pinabulaanan ito ni Ogie. Kung magkaganoon man, by all means, itutuloy naman daw nila.

Kaso nga, may mga sinasabi pa rin sina Regine at Ogie tungkol sa estado ng kasal ni Ogie kay Michelle Van Eimeren dito sa Pilipinas, kahit nga nagpakasal na sa ibang lalaki si Michelle sa Australia. May problema pa rin daw hanggang ngayon sa annulment ng kasal nina Ogie at Michelle dito sa Pilipinas, na siyang gustong ayusin nina Ogie at Regine hangga’t maaari, bago sila magkaanak o dili kaya’y magpakasal.

Pero habang tumatagal, ito’y lumalabo. Dapat nga sigurong magdesisyon na lang sila kung magbubuntis nga si Regine dahil sa hindi na ito bumabata. Kung hindi man, hindi ito ang binibigyan ng prayoridad ng dalawa na mas nakatutok pa sa kanilang career habang pinauusbong pa rin hanggang ngayon ang kanilang relasyon.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.