Judge sa CGMA Case, Pini-Pressure

NABABAHALA ANG ABOGADO ni dating First Gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo sa mga lumalabas na impormasyon ukol sa pag-pressure umano sa hukom na may hawak sa kaso ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, biniberipika na nila ang nasabing ulat at may balita na rin sila kung kanino nagmumula ang nasabing pressure.

Partikular na pina-ngalanan ni Topacio si Justice Sec. Leila de Lima na sumulat umano kay Pasay City Regional Trial Court Branch 112 Judge Jesus Mupas.

Layunin umano ng naturang sulat na harangin ang posibilidad na pagbibigay-daan ng hukom sa hirit na house arrest ng kampo ng mga Arroyo.

Tinawag pa ito ni Topacio na “highly improper” para sa isang kalihim ng kagawaran ng katarungan.

Maituturing din umano itong “pambu-bully” ng executive branch sa judiciary na dapat kondenahin.

Sa kabila nito, hindi naman naglabas ng pahayag ang kampo ni Mupas sa nasabing isyu. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.