Juday stars with Ogie Alcasid on Oh, My Girl! movie

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

IN THE MIDDLE of all the preparations para sa nalalapit na kasal ni Judy Ann Santos kay Ryan Agoncillo, naisipan pa niyang gumawa ng pelikula, ang Oh, My Girl! sa direksiyon ni Dante Nico Garcia. At bakit nga ba hindi gayung sa kauna-unahang pagkakataon, makakatambal niya no less than the singer/ composer/ comedian/ friend ni Juday na si Ogie Alcasid.

Nakaka-impress naman ang buong production team ng Oh, My Girl! dahil sa March 25 pa ang start ng shooting pero may teaser na agad na ipinikita sa story conference na dinaluhan ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde, ang head executive ng Regal Films at RMM, Inc. na si Roselle Monteverde at mga writer ng movie. May target playdate na ang Regal for the showing of Oh, My Girl! sa May.

Mabuti pa ang last movie ni Juday sa pagkadalaga, may playdate na. Pero ang wedding date nila ni Ryan, hindi pa rin matumbok ng aktres. Hinihintay pa kasi nila ang advise ng mga feng shui expert at ilang astronomers para sa tamang petsa. Ayon kay Juday, hindi naman daw makababawas ng ganda kung susunod sila sa suggestions ng mga nabanggit.

“Nagsisiguro lang. Siyempre, nagtanong-tanong din kami ng advice sa ibang couples, kung paano sila nag-prepare ng wedding. Para sa amin, we’re taking our time, hindi kami nagpapa-stress.

“Kasi, karamihan sa couples na nagpe-prepare para sa wedding nila, nag-aaway, kasi sobrang naiis-stress sila. Hindi naman iniiwasan, sinusubukan lang naming tingnan kung baka puwede naman nating idaan sa ibang paraan. ‘Yung hindi tayo mag-aaway, ‘yung masaya lang ang pagpe-prepare and that’s what we’re trying to do right now.
“May mga iniisip kaming dates, kaya lang ang dami palang bawal sa feng shui. Hindi ko alam na marami palang ganu’n,” sabi ni Juday.

Sadyang marami talaga ang nagmamahal kay Juday at Ryan. Ang dami-dami na kasi ang nag-offer sa dalawa na magreregalo mula sa mga kaibigan nila sa showbiz. Una nang nagasabi sina Kris Aquino at Boy Abunda na sasagot sa mga bulaklak na gagamitin nila sa wedding. Sumunod naman si Martin Nieverra na gagawa ng kanta para sa kanilang wedding. May surprise gift naman sina Ogie at Regine Velasquez sa kanila. And for sure, may nakahanda na ring regalo ang “sis” ni Juday na si Megastar Sharon Cuneta.

Malaki tiyak ang mababawas na gastusin para sa wedding nina Juday at Ryan with all the gifts and surprises ng mga kaibigan nila sa showbiz. Kaya tama si Juday na hindi nga aabot ng P5M ang gastos sa wedding nila. And besides, mas priority nila ang paggastos sa bahay na titirhan nila ni Ryan at Yohan after the wedding, kesa ‘yung mismong kasalan.

Anyway, tinatahi na ngayon ng sikat na fashion designer na si Paul Cabral ang wedding gown ni Juday. Ipinaubaya na ni Juday ang design ng kanyang wedding gown kay Paul. Basta ang requirement lang ni Juday kay Paul, hindi mainit at mabigat ang kanyang wedding gown.

PAGKATAPOS MAGSALITA NG winner na si Nena Santos sa Bigtime Pera o Bayong na segment ng Wowowee sa media na hindi pa niya nakukuha ang napanalunan niyang house and lot from Globe Asiatique, umapir ulit ito ng live sa noontime show ni Willie Revillame, kamakailan.

Actually, bago pa man siya lumantad sa Wowowee ulit, ilang araw na siyang nagpupunta sa studio at nakikipag-coordinate sa staff ng show at bini-verify ang kanyang claim. Last Friday, naayos ng staff ang naging problema niya sa pagki-claim sa bahay at hinanapan pa siya ng mga bagong furnitures para sa kanyang titirhan.

Narito ang official statement mula sa ABS-CBN sa nangyaring isyu sa pagitan ni Aling Nena at Wowowee.

“Sa kasalukuyan, lahat ng mga isyu ay naipaliwanag at naresolba na kay Mrs. Nena Santos, nanalo ng house & lot sa Bigtime Pera o Bayong. Sa March 3, 2009 episode ng Wowowee, si Mrs. Santos ay pumunta sa studio, at humingi ng tawad si Willie sa kanya dahil sa pagkakaroon ng ‘di pagkakaintindihan.

“Personal na ipinangako ni Willie kay Mrs. Santos na gagawin niya itong fully-furnished. Nagpasalamat si Mrs. Nena Santos on air sa Wowowee at Globe Asiatique para sa tulong na ipinagkaloob nito.”
‘Yun na.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.