Juday says goodbye to Mommy Carol

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

KINUKONDISYON NA NG butihing ina ni Judy Ann Santos na si Mommy Carol ang sarili sa paglisan ng kanyang anak sa kanilang tahanan. Two months na lang kasi at iiwan na siya ni Juday sa bahay nila na naipundar din ng aktres for less than five years.

Tuloy na tuloy na kasi ang pagpapakasal ni Juday sa boyfriend niyang si Ryan Agoncillo sa May. And right after the wedding, siyempre roon na titira si Juday bitbit ang adopted daughter niyang si Yohan sa bago nilang bahay ni Ryan sa bandang south.

Maiiwan si Mommy Carol sa bahay nila sa North Susana subdivision sa Commonwealth. Pero bago ang kasal, plano ni Juday na ipa-renovate pa ang bahay na iiwan niya sa kanyang Mommy. Bibiyakin daw ang dalawang kuwarto at gagawin na lang na isang malaking bedroom para kay Mommy Carol.

Kung tutuusin, gusto na lamang ni Mommy Carol daw sanang bumalik sa Canada para magtrabahong muli. At magbakasyon na lamang sa Pilipinas. After all, na-grant na pala ang dual citizenship si Mommy Carol. Pero nagparinig na raw si Juday sa kanya na paano kapag buntis na siya, sino ang mag-aalaga sa kanya?

Humupa na rin ang tampo ni Mommy Carol sa anak pagkatapos kumalat ang tsismis kung kailan talaga ang kasal nila ni Ryan. Siyempre bilang ina, hindi nga naman magandang mas nauna pang malaman ng mga kaibigan ni Juday ang wedding date nila ni Ryan kaysa sa kanya. Sumumpa raw ang kanyang anak na wala pa talaga silang napagkasunduan ni Ryan kung kailan ang kanilang wedding day. Kaya kumalma na ang kalooban ni Mommy Carol. But that was three weeks ago. By this time, malamang may petsa na sila.

Masaya ring ikinuwento ni Mommy Carol, na nag-birthday last February 25 and happy to say that’s she’s 63 years old now, na nakita na raw niya ang bagong bahay nina Juday at Ryan. Dinala na raw siya roon ni Juday.

Doble raw ang laki ng bahay nila sa North Susana ang nabili nina Ryan at Juday. May apat na kuwarto at may malaking kitchen sa labas ng bahay para kay Juday. Malamang ang kitchen din ang pinakamahal na part ng bahay gaya ng bahay ni Kris Aquino. Mukhang dito raw tutuparin ni Ryan ang gift niya kay Juday na isang bonggacious na kitchen.

Kyut naman na ikinuwento ni Mommy na ipinagyabang na sa kanya ni Yohan ang kuwarto niya sa bagong bahay ng Mommy Juday at Daddy Ryan niya. Princess daw ang motif ng kanyang room at kulay purple and pink.

Anyway, nakatakdang umuwi ng Pilipinas ang mga kapatid ni Mommy Carol from around the world para sa wedding ni Juday. Ito na raw bale ang magiging reunion nila for this year na taon-taon nilang ginagawa.

KINUMPIRMA NI DIREK Chito Roño na may nag-iimbita sa kanyang tumakbo bilang Governor ng Samar sa solo presscon na ibinigay sa kanya ng Star Cinema for her forthcoming project, ang T2 starring Maricel Soriano showing na next month.

“E, s’yempre ibang mundo ‘yan. Engkanto world ‘tong sa akin. Talagang nili-link ko sa promo, ‘no,” natatawang sabi ni Direk Chito. “Hindi pa ako masyadong ano, kasi mahirap. Alam mo, mahirap pumasok sa ganyan kapag hindi 100% nasa loob mo. So, unless I’m 100% sure na I want to go that way ah, I will not do it.”

Mag-iikot daw muna siya sa Samar at titingnan niya kung ano ang kalalabasan ng pag-ikot niya. Pero tinanong namin si Direk Chito kung ano ang magiging deciding factor niya para tanggapin ang imbistasyon sa kanya.

“Siguro after this trip (Samar). After what I see, iikot ako mula south going to north. And then, tingnan ko. Ah, gusto kong pakiramdaman muna kung paano ako papasok, makakatulong. If I will be right for this endeavor, parang ganu’n,” lahad ni Direk Chito.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.