Juday at Ryan, ‘di gagawing sirkus ang binyag ng anak

CONSISTENT SINA JUDY Ann Santos at Ryan Agoncillo sa pagiging kakaiba nilang mag-asawa kumpara sa ibang mga sikat na artista, na kapag nag-celebrate ng kung anu-anong mahahalagang okasyon sa buhay at pamilya, halos ipinangangalandakan sa buong showbiz ang pagpapabongga. Una nga sa lahat, wala sa intensiyon nila ang magyabang.  Hindi mo rin naman kasi sila mabubutasan kung tungkol din lang naman sa tunay na pakikisama bilang kaibigan ang pag-uusapan.

Welcome namang pareho kina Juday at Ryan ang maraming kaibigan. Kaya lang, alam nila sa pakiramdaman kung sino ang mga tunay nilang kaibigan, o ‘yung mga taong lumalapit at nakikipagkaibigan lamang, pero sino-showbiz lang naman sila. Napatunayan nga iyan, dahil nu’ng magpakasal sila, mga piling-piling tao lang na malapit sa kanilang pamilya na malapit din sa kanilang puso bilang mga kaibigan ang kanilang mga inimbita.

Nitong isilang na ni Juday ang anak nila ni Ryan na si Baby Lucho, marami ang nag-iisip, na baka sa dami ng mga nagmamahal na tunay na kaibigan ng mag-asawa ay napakaraming magiging Ninong at Ninang ng kanilang anak. Sorry na lang sila. Parang sampal sa gawain ng ibang artista, na kapag nagpabinyag ng anak, paramihan ng Ninong at Ninang ang laban na para bang pinagkakakitaan ang binyagan. Sa katuwiran nina Juday at Ryan na tatayong pangalawang magulang ang magiging Ninong at Ninang ni Baby Lucho, kaya hindi raw nila dinamihan ang pares ng mga kinuha nilang Ninong at Ninang. Ang nasa listahan pa lang ng magiging pangalawang magulang ng kanilang baby ay si Beth Tamayo at ang brother ni Ryan.

MAHABA PA ANG lalakbayin ng kasong kinasasangkutan ngayon ng dating aktor na si Patrick dela Rosa, dahil nagiging masalimuot ang mga kaganapan tungkol sa imbestigasyong isinasagawa. Pero sa totoo lang naman, hindi rin naman hinuhusgahan basta-basta ng mga dati niyang kasamahan sa showbiz ang aktor-pulitiko, dahil sa panahon naman ng kanyang pag-aartista ay mapakisama siyang tao, ganu’n din naman sa hanay ng mga manunulat. Kaya maraming nag-aabang sa magiging resulta ng kontrobersiyang nagaganap sa ngayon.

Nitong huli, bumaligtad na ‘yung tatlong babae na dating pumapanig du’n sa babaeng nag-aakusa kay Patrick, na diumano’y ginahasa raw siya. Habang buong tapang niyang pinanindigan na hindi siya magpapaareglo sa kampo ng dating aktor, nagsalita na ang tatlo niyang kaibigan, na nagtataka sila kung bakit pinalulutang ngayon na mayroong panggagahasa na naganap. Buwelta ng umano’y rape victim, tila raw yata mayroong nagpapatahimik sa kanyang mga kaibigan para patuloy na tumestigo laban kay dela Rosa.

Artista pa rin ang dating ni Patrick, dahil guwapo pa rin siya. Halatang naaalagaan niya ang kanyang hitsura. Humaharap na kasi siya ngayon sa kamera. Lumitaw sana ang katotohanan at maparusahan ang may kasalanan. Habang nariyan na nga ang pagbaligtad ng tatlong babaeng dating panig sa umano’y rape victim, nagpahayag na ang mga abogado ng dating aktor na, patutunayan daw nilang inosente si Patrick sa mga ibinibintang sa kanya.

PERSONAL: Happy birthday kina Kuya Boy Abunda, Direk Maryo J. delos Reyes, Direk Joey Javier-Reyes at kay Mr. Eddie Malijan.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

10 thoughts on “Juday at Ryan, ‘di gagawing sirkus ang binyag ng anak

  1. inggit lang kc kayo siguro kc yung IDOL nyo ang nawala sa alignment, kc po naliligaw nang landas tama ba? and tinamaan ka?

  2. Ang yabang naman magsalita neto!!!!!!!!!!!! bakit kaya d mo muna unahin laitin ang sarili na “MALDITA” at hindi si Juday ang banatan mong una!!!! do you think MABAIT KA?
    [paparazz]?

  3. KAYA NILA NAGUSTUHAN SI RYAN KASI GALING SA DE BUENMA PAMILYA AT MAY BREEDING! SABI NG NANAY NI JUDY ANN, MAY LAHI DAW SILYANG GERMAN,… BAKA “GERMAN SHEPHERD”!!! E TEKA, BA’T MAS MUKHA SYANG BULLDOG! HA HA HA!!!

  4. PAKIALAM KO SA DALAWANG ‘TO! ANG SUPLA SUPLADA NYANG SI JUDY ANN AT NG KANIYANG NANAY AT KAPATID NA SI JEFFREY!!! ANG SASAMA NG UGALI NG PAMILYANG YAN!!!

  5. HOY! bakit nyo isinali ang Kristine sa Poll nyo? e ang ganda ganda ng kristine! kakaiba! kung sino mang nagsali, TANGA! mas maraming pangit na show ang dapat tanggalin lalo na sa gma7 kesa sa kristine!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.